NAKATUON ang pansin kay Woman Fide Master Sheerie Joy Lomibao matapos ang matagal na hindi paglalaro ng chess na magiging sentro ng atraksiyon sa pagtulak ng 9th leg National Executive Chess Championship na tinampukang 2019 Grandmaster Rosendo Balinas Sr. Chess Cup bukas sa Zurea Hotel, La Purisima Concepcion St.sa Lucban, Quezon.

Ang Canada-based na si Lomibao, dating National Womens’ Open Champion at miyembro ng Philippine Team sa World Chess Olympiad, ay nasa sparring training kay International Master Ronald Bancod bilang bahagi ng kanyang preparasyon.

Ang one-day rapid event ay bukas sa lahat ng qualified members ng Philippine Executive Chess Association na suportado ni Engr. Antonio “Tony” Carreon Balinas, ayon kay tournament director Joselito Cada.

Dagdag naman ni Philippine Executive Chess Association president Dr. Jenny Mayor, na ipapatupad sa nasabing torneo ang 7-round Swiss System format, 20 minutes na may five seconds delay kung saan ang maghahari sa Open division (2000 and above NCFP rating) ay mag-uuwi ng P7,000 plus trophy habang ang second place ay P5,000 plus medal, ang third place ay P3,000 plus medal.

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!

Sa challenger’s division (1999 and below), nakalaan sa magkakampeon ang P6,000 plus trophy. May naghihintay din na special prizes para sa Top 1800 and below, Top Senior at Top Unrated.

Ang registration sa NCFP-sanctioned event ay P1,000 , habang ang on-site registration ay P1,200 at ang annual membership ay P1,000.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan kina Atty. Cliburn Anthony Orbe (09188974410), Dr. Jenny Mayor (09351004755), Dr. Fred Paez (09212728172), Mr. Joselito Cada (09175117300), Mr. Martin “Binky” Gaticales (09998851432) at NM Efren Bagamasbad (09157209145).