ASEAN Schools basketball, nadomina ng ‘Pinas; 6th sa overall

BASTA basketball, dominante ang Pinoy sa rehiyon.

basketball

Pinatunayan ng Nationals ang tibay at husay sa sports nang angkinin ang gintong medalya sa boys and girls basketball competition upang sandigan ang kampanya ng Team Philippines sa pagtatapos ng 11th ASEAN Schools Games nitong Miyerkoles sa Semarang, Central Java, Indonesia.

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

Isinantabi ng Nationals, kinatawan ng National University Bullpups, ang bentahe ng host team sa crowd sa epektibong run-and gun game para maitarak ang double digit na bentahe sa kaagahan ng laro tungo sa dominanteng 100-51 panalo kontra Indonesia sa jampacked Sahabat Sport Hall.

Pinangunahan ni Batang Gilas gunner Terrence Fortea ang ratsada ng Team Philippines para masiguro ang ikalawang sunod na tagumpay sa taunang liga para sa mga atletang estudyante.

basketball2

Nakatuwang niya sina Carl Tamayo at Gerry Abadiano na kasama rin niya sa Gilas Pilipinas Youth na sumabak sa Fiba Under-19 World Cup sa Greece.

Nasa line-up din sina 17-under team member Harold Alarcon, Steve Nash Enriquez, and Aaron Buensalida, Kevin Quiambao, Jon Felicilda, Jeffrey Mailim, Reyland Torres, Menard Songcuya, at Nathaniel Tulabut.

Bumalikwas naman sa malamyang simula ang girls cage team at sa pangunguna nina Kristine Cayabyab at Angelica Marie Surada na kumana ng 30 at 14 puntos, ayon sa pagkakasunod, kinaldag ang 84-72 panalo laban sa Thailand.

Ito ang ikalawang sunod na dominasyon ng Pinoy sa basketball sa liga at nakompleto ng Pinay cagers ang three-peat.

“We’re very proud. Lahat ng member ng team talagang nagpakita ng husay nila. The Philippine Sports Commission is closely coordinating with the DepEd para mas mapalakas pa natin ang programa sa sports,” pahayag ni PSC Commissioner Charles Maxey, tumatayong Sports Minister ng Team Philippines sa torneo.

Kinapos naman ang Pinay spikers na naungusan ng Thailand sa pahirapang five-set match, 20-25, 29-31, 25-19, 25-18, 9-15, sa girls volleyball finals.

Nakamit naman ng boys team ang bronze medal matapos mabigo sa Thailand, 21-25, 20-25, 14-25, sa semifinals.

Sa table tennis, humirit ng bronze si Elijah Yamson nang mabigo kay Lim Dao Yi ng Singapore, 3-0, sa boys’ singles category sa Badminton Hall Mugas.

Nag-ambag naman ang sepak takraw team ng dalawang bronze medals sa Unika Soegija Pranata Sport Hall. Nakopo ng grupo nina Jessie Encomienda, Jason Dave Malijao, Stephen Rafael at Marvin Escamillan ang bronze sa regu competition kontra Malaysian, 0-2 (7-21, 9-21).

PINATIBAY ng Philippine basketball team, kinatawan ng National University, ang dominasyon sa ASEAN Schools Games, habang ipinagbunyi ng delagasyon ang kasaysayang naiukit ni Micaela Jasmine Mojdeh sa swimming sa naitalang dalawang bagong Philippine National Junior record sa 100m at 200m butterfly. (LEM VALLES/SWIM PINAS)

PINATIBAY ng Philippine basketball team, kinatawan ng National University, ang dominasyon sa ASEAN Schools Games, habang ipinagbunyi ng delagasyon ang kasaysayang naiukit ni Micaela Jasmine Mojdeh sa swimming sa naitalang dalawang bagong Philippine National Junior record sa 100m at 200m butterfly. (LEM VALLES/SWIM PINAS)

Nakabronze din sa doubles event sina Joshua Bullo, MC Oclarit at Arsyl Tupas kontra Thailand, 0-2 (12-21, 13-21).

Sa pencat silat nag-ambag ng bronze sina Denmark Abdurasad, Jessa Dela Cruz at Jerome Negapatan sa boys’ Tanding Class F (Over 59-63 kg), girls’ Tanding Class D (Over 51-55 kg), and boys’ singles (seni) competition, ayon sa pagkakasunod.

Nakapag-ambag naman ang swimming team ng isang ginto, dalawang silver at limang bronze, tampok ang dalawang bagong Philippine National Junior record ng 13-anyos na si Micaela Jasmine Mojdeh (100m, 1:3.60 at at 200m butterfly, 2:1951).

Sa kabuuan, humakot ang Team Philippines ng apat na ginto, pitong silver at 22 bronze para tapatan ang naging kampanya sa nakalipas na edisyon sa ika-anim na puwesto.

-EDWIN ROLLON