DINUMOG ang pink carpet premiere night ng Family History, ang first movie na idinirek ng actor-comedian na si Michael V. Si Bitoy din, as he is fondly called, ang scriptwriter, producer at aktor ng co-production venture ng GMA Pictures at ng Mic Test Entertainment ng batikang komedyante at wife niyang si Carol Bunagan.

Dawn at Michael V

Maaga pa ay dumating na ang cast at mga kasamahang Kapuso artists ni Bitoy sa Cinema 3 ng SM Megamall bilang pagsuporta sa kanya at sa movie. Ilan sa mga dumating sina Alden Richards, sweethearts na sina Barbie Forteza at Jak Roberto, Diana Zubiri with husband Andy Smith, comedy team nina Boobay at Tekla, Ronnie and wife Ida Henares, Dingdong, Jessa and daughter Jaeda Avanzado, teen actressse na sina Therese Malvar, at Thea Tolentino at mga Bubble Gang co-stars na sina Kim Domingo, Chariz Solomon, Valeen Montenegro, Betong Sumaya, Ashley Rivera, Analyn Barro at Maureen Larrazabal. Dumalo rin ang Final 11 ng reality-artista search na StarStruck 7.

SRO ang Cinema 3 at ang sarap pakinggan ng tawanan at palakpakan, maging ng mga iyakan sa eksena. Ipakikita ng pelikulang Family History sa mga manonood ng isang magandang love story, pagmamahal sa pamilya at ang suporta ng mga kaibigan sa oras ng pangangailangan.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Kaya pala ayaw ikuwento ni Bitoy sa mga interviews kung ano ang kabuuan ng pelikula dahil may mga rebelasyon sa mga karakter ng istorya. Nasa mga manonood na kung paano nila tatanggapin ang story nina Alex (Bitoy), May (Dawn Zulueta), Malex (Miguel Tanfelix), Jenna (Bianca Umali), at nina Nonie Buencamino, Paolo Contis, Kakai Bautista, Ina Feleo at John Estrada. Kaabang-abang din ang special participation nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at award-winning comedienne and TV host Eugene Domingo.

Ang pelikula ay Grade B ng Cinema Evaluation Board (CEB) at PG rating naman ang ibinigay ng MTRCB. Showing ito in cinemas nationwide.

-NORA V. CALDERON