PATULOY ang pagpapalakas ng kanilang men’s basketball team ang De La Salle University para sa darating na UAAP Season 82 men’s basketball tournament.
Base sa mga naunang naglabasang balita online, kinuha ng Green Archers ang tatlong Fil-foreigners na sina Keyshawn Evans, Jamie Orme, at James Laput para makapaglaro ng isang taon sa collegiate ranks dito sa bansa.
Ang tatlong Fil-foreign players ay magiging eligible na maglaro sa liga gaya ng nangyari sa Fil-Am na si Troy Rike noong nakaraang taon sa National University batay sa ruling na nagbibigay pahintulot sa mga graduate student athletes mula sa non-UAAP schools upang makalaro ng isang taon sa liga.
Ang 23 anyos at 6-foot na si Evans, 23, ay naglaro ng apat na tason sa Illinois State Redbirds kung saan sya nagtala ng average na 8.5 puntos, 2.3 assists, at 1.8 rebounds.
Naglaro naman ang 6-foot-7 forward na si Orme para sa Highline Community College ng dalawang taon bago lumipat sa Portland State kung saan ito nag-average ng 6.2 puntos at 3.7 rebounds.
Ang pinakamataas sa tatlo, ang 6-foot-9 Fil-Australian na si Laput sa Division II school Young Harris College sa loob ng 14 na laban.
Bukod sa tatlong nabanggit na manlalaro, kinuha din ng Green Archers na gagabayan ng bagong coach na si Gian Nazario si Fil-Am rookie Andrew Sanderson-Singson, isang 6-foot-5 swingman mula Rock Ridge High School na sumabak para sa FilAm Sports noong 2018 National Basketball Training Center (NBTC) National Finals.
Kasama din sa mga bago nilang recruits sina Joshua David at Joel Cagulangan mula La Salle Greenhills para sumuporta sa mga bagong lider ng koponan na sina Aljun Melecio, Andrei Caracut, Justine Baltazar at Encho Serrano.
Ang mga bagong manlalaro ang inaasahang magpupuno sa mga nabakanteng puwesto ng mga nagsi graduate ng sina Kib Montalbo at Santi Santillan gayundin sina Jollo Go, Mark Dyke, Miggy Corteza at Kiwi center Taane Samuel.
Samantala, maliban sa mga Fil-fireign players kumuha din ang La Salle ng foreign consultant sa katasuhan ng Amerikanong si Jermaine Byrd.
-Marivic Awitan