NASENTRO ang pagdiriwang kina John Mark Lexer Galedo sa Men’s Elite, gayundin si Nichol Pareja sa Men’s Under-23 at ang girls squad ng Standard Insurance sa Women’s category sa inilargang individual time trial (ITT) races sa PhilCycling 2019 National Road Cycling Championships nitong Martes sa Tagaytay City.

Nailista ni Galedo, 33, ng 7-Eleven Cliqq Air21 Roadbike Philippines, ang tyempong 27 minuto at 26.12 segundo para pagharian ang 18-km Men Elite ITT na nagsimula sa Sandari Batulao sa Nasugbu, Batangas, at natapos sa Praying Hands Monument sa Tagaytay City sa karera na itinataguyod ng Standard Insurance, MVP Sports Foundation at Tagaytay City.

Sumegunda si Go For Gold’s Jonel Carcueva sa tyempong 9.75 segundo ang layo sa kampeon, habang pangatlo si Marcelo Felipe (28.43 behind).

Ginulat naman ng 19-anyos na si Nichol Pareja ng 7-Eleven angmga karibal sa gold medal-winning time na 26:57.60 sa Men’s Under-23 para gapiin sina Ismael Gorospe Jr. (Go For Gold, 28:24.20) at Daniel Ven Carino (Go For Gold, 28:28.30).

Pinangasiwaan ni Tagaytay City Councilor Athena Tolentino ang paggawad ng parangal at premyo sa mga nagwagi, kasama sina Ube Media Inc./Le Tour de Filipinas head Donna Lina at Go For Gold godfather Jeremy Go sa Sambong Hall ng Tagaytay International Convention Center.

Manny Pacquiao, nag-ceremonial first pitch sa gitgitan ng Yankees at Athletics

Impresibo naman ang Philippine Navy-Standard Insurance women’s team sa torneo na nagsisilbing dry run para sa gaganaping 30th Southeast Asian Games sa November 30 hanggang December 11.

Nanguna si Kate Yasmin Velasco sa Under-23 category, habang napagwagihan ni Maritoni Krogg ang Women’s Junior race at si Jermyn Prado ang tinanghal na fastest sa Women’s Elite.

Nakuha ni Velasco ang tyempong 21:33.10 sa 12-km ITT, laban kina Mhay Ann Linda (22:20.60) at Shagne Paola Yaoyao (22:59.70), habang nakuha ni Krogg ang tyempong 20:14.19 kontra kina Nicole Quinones (22:03.40) at Marlen Marasigan (22:29.00).

Naugunsan naman ni Velasco sa tyempong 19:24.50 sina 2015 SEA Games ITT champion Marella Salamat (19:39.00) at Avegail Rombaon (20:56.40) sa karera na pinangasiwaan ng Highway Patrol Group ng Philippine National Police Region 4A command.

Nakopo naman nina Macryan Lago (17:41.23), John Patrick Pagtalunan (18:07.16) at Efren Reyes (18:15.46) ang podium sa Men’s Junior ITT.