Iginiit ni Senador Francis Tolentino na bigyan ng agarang aksyon ang panukalang emergency powers para kay Pangulong Rodrigo Duterte upang maresolba ang problema sa matinding trapiko sa bansa.

Inihayag ng senador na ipagpapatuloy niya ang pagsulong sa nasabing panukalang-batas na magbibigay ng buong kapangyarihan kay Duterte sa paglutas sa usapin sa trapiko, at
transportasyon, kahit hindi ito kabilang sa mga mungkahing-batas na ipinaaapura ng Pangulo sa Kongreso.
"It doesn’t dilute the urgency of the bill, because as earlier mentioned, the President had a limited time. Even federalism was not mentioned," sabi ni Tolentino.
Maaari naman aniyang gayahin at ipatupad na lamang ng gobyerno ang estilo ni Manila Mayor Isko Moreno sa paglinis ng mga pampublikong kalsada, dahil kinakailangan pa rin ng emergency power bill na magbibigay ng kapangyarihan sa mga local government unit upang paunlarin ang kani-kanilang transportation system.
Kabilang din sa kanyang panukala na payagang ayusin ng gobyerno ang oras ng trabaho at pasok sa eskuwelahan upang maisaayos ang paggamit ng kalsada.
Aniya, hindi nangunguhulugang maisasantabi ang mungkahi sa emergency powers dahil lamang sa kabiguan ni Duterte.
"It doesn’t follow na kung 'di na-mention ay hindi kailangan. Remember second attempt na ito," ayon pa sa senador.
-Vanne Elaine P. Terrazola