TUTULAK na ang 3rd Caine Knights Chess Tatlohan Chess Team Tournament 1950 limit rating sa Agosto 18 na gaganapin sa third floor League One Southgate Mall malapait sa MRT Magallanes Station sa Edsa, Makati City.

Bawat koponan ay binubuo ng tatlong players na may average National Chess Federation of the Philippines (NCFP) rating na 1950 base sa July rating list.

Ayon kay tournament organizer Genghis Katipunan Imperial, ang one-day National Chess Federation of the Philippines sanctioned tournament ay ipapatupad ang seven round Swiss System format na may 20 minutes via match point system at 5 seconds delay sa bawat manlalaro para matapos ang laro.

Nakalaan sa magkakampeon ang P23,000 plus trophy, maisusubi ng second placer ang P15,000 plus trophy, matatangap ng third place ang P10,000 plus trophy habang ang fourth hanggang eight ay mag-uuwi ng tig P8,000, P4,000, P3,000 at P2,000, ayon sa pagkakasunod.

Olympian boxer Eumir Marcial, di nagpatalo kay Carlos Yulo, nag-crop top na rin!

May special prizes para sa top team performer sa High School at Lady Team na tig P1,000 habang ang magwawagi naman sa individual gold medal winner para sa board one, two at three ay makakatangap ng tig P500 plus medals.

Sa mga nais makilahok, makipag-ugnayan kay Tournament Organizers Ms. Caine Knights sa mobile number: 0995-680-1502 at Mr. Genghis Katipunan Imperial sa mobile number: 0926-251-4205.