NOMINADO ang karamihan ng K-pop groups sa 2019 MTV Video Music Awards (VMA).

BLACKPINK at BTS

Apat na nominasyon ang natanggap ng K-pop boy band na BTS. Nasungkit din nila nominasyon para sa Best Collaboration, kasama si Halsey, sa hit track na Boy With Luv. Kandidato rin ang kanta bilang Best Choreograpy sa tulong ni Rie Hata, na nag-choreographed sa Bad Boy ng Red Velvet, Boss ng NCT U at Nega Dola ni BoA.

Kabilang din sa mga nominees ang Cellophane ni FKA Twigs, Con Altura ni ROSALÍA & J Balvin ft. El Guincho, LSD ft. Labrinth, No New Friends nina Sia at Diplo, Señorita nina Shawn Mendes at Camila Cabello at Almeda ni Solange.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

Nakatanggap din ng nominasyon para sa Best Art Direction ang Boy With Luv katunggali ang 7 Rings ni Ariana Grande, Old Town Road (Remix) nina Lil Nas X at Billy Ray Cyrus, Señorita nina Shawn at Camila, You Need to Calm Down ni Taylor Swift at I Love It nina Kanye West at Lil’ Pump ft. Adele Givens.

Sa unang pagkakataon, gumawa ang VMAs ng Best K-pop category at kasama sa mga unang nominees nila ang BTS ft. Halsey’s Boy With Luv, Kill This Love ng BLACKPINK, Who Do You Love ng Monsta X ft. French Montana, Cat & Dog ng TOMORROW X TOGETHER, Regular ng NCT 127 at Tempo ng EXO.

Magaganap ngayong Agosto 26 ang 2019 Video Music Awards sa Prudential Center, New Jersey.

-JONATHAN HICAP