Pitong katao ang nasawi matapos mahulog sa bangin ang isang elf truck sa Aguinaldo, Ifugao, kaninang umaga, ayon sa Police Regional Office-Cordillera.

Sa ulat na natanggap ni Major Carol Lacuata, regional information offficer, kabilang sa mga nasawi sina Joey Tambiag; Divina Tambiag; Chilma Chumatog; Josephine Uhuban; Ricky "Ngettet" Chog-ap; Rosita Paynohon; at Vicente Buyag-ao.
Nakilala naman ang mga nakaligtas na sina Artist Paynohon; Kimberly Joy "Joyjoy" Tambiag at Fernando Bahiwag.
Naiulat ng pulisya, nakisakay lamang ang lima sa mga nasawi sa naturang truck (WCU-945) na minamaneho ni Tambiag patungo sana sa Alfonso Lista, nang maganap ang insidente sa national highway ng nasabing bayan, dakong 8:30 ng umaga.
Bigla umanong nawalan ng kontrol ang driver sa nasabing truck hanggang sa mahulog sa 10 metrong bangin.
Dead on the spot ang habang sugatan naman ang dalawang pasahero na isinugod sa Potia District Hospital.
Habang isinusulat ang balitang ito, nagsasagawa pa ng retrival operations ang mga rescuer sa pinangyarihan ng insidente.