MULING nanaig ang tikas ng Real Gold laban sa karibal na Boss Emong para makamit ang ikatlong yugto ng 2019 Philippine Racing Commission Triple Crown series nitong Linggo sa MetroTurf Racing Complex, Malvar, Batangas.

IPINAKITA nina Jing Javier, Butch Mamon, Alex Mamon at Chloe Mamon, trainer Reymundo Henson at jockey JPA Guce ang kanilang mga tropeo matapos manalo ang alagang Real Gold sa ikatlong yugto ng Triple Crown series. Sila ay sinamahan sa podium nina Philracom Commissioners Reli de Leon at Bienvenido Niles Jr. at Metro Turf racing manager Rudy Prado at deputy Arthur Escala.

IPINAKITA nina Jing Javier, Butch Mamon, Alex Mamon at Chloe Mamon, trainer Reymundo Henson at jockey JPA Guce ang kanilang mga tropeo matapos manalo ang alagang Real Gold sa ikatlong yugto ng Triple Crown series. Sila ay sinamahan sa podium nina Philracom Commissioners Reli de Leon at Bienvenido Niles Jr. at Metro Turf racing manager Rudy Prado at deputy Arthur Escala.

Nasungkit ni Real Gold, pagmamay-ari ng C and H Enterprise, ang unang serye ng Triple Crown ng taon sa San Lazaro Leisure Park in Carmona, Cavite noong Mayo, bago ito matalo kay Boss Emong nitong Hunyo sa ikalawang yugto ng serye sa Saddle and Clubs Leisure Park, Naic, Cavite.

Noong Linggo, binawian ng Real Gold si Boss Emong.

‘Balik sa tugatog!’ Carlos Yulo, muling nag-uwi ng gintong medalya

Dahil sa ekspertong gabay ni jockey John Paul A. Guce, kinuha ng Real Gold ang unahan sa huling 400 na metro at nanatili doon hanggang sa dulo para gapiin ang Boss Emong sa karera na may distansiyang 2,000 meters.

“Hindi nagbago ang game-plan, talagang remate po kami. May mga matutulin na kalaban, kaya kailangan strong finish kami,” ani Real Gold jockey John Paul A. Guce. “Pagpasok ng last 400 ko nakuha. Medyo bumitin after that, kaya naglipat ako ng latigo, umiktad po ulet. Talagang sumasagot siya kapag pinu-push mo.”

Kinuha ng Boss Emong at My Jopay ang una’t ikalawang puwesto sa unang 1,200 metro ngunit nagsimulang humabol ang Real Gold sa huling 600, bago tuluyang agawin ang unahan sa huling 400 kung saan hindi na ito natinag.

Ang panalo ay nagkakahalaga ng P1.8 million para sa C and H Enterprise nina Butch at Alex Mamon, Jing Javier, Joseph Dyhengco at Robert Ramirez. Kasama ang kanila panalo sa unang yugto ng serye at ikalawang puwesto sa second leg, nag-uwi ng suma total na P4,275,000.00 na premyo ang Real Gold, halos kalahati ng P9 million na papremyo ng Philracom para sa 2019 Triple Crown Series.

“We are very happy with the result. Two out of three ain’t so bad,” pahayag ni Butch Mamon, isa sa mga nagmamay-ari kay Real Gold, na ang winning breeder Dyhengco ay tumanggap naman ng P100,000.

Nakuha ng Boss Emong, sinakyan ni jockey Dan Camanero, ang runner-up purse na P675,000 para sa may-ari nito na si Edward Vincent Diokno.

Tumanggap naman ng P375,000 sa ikatlong puwesto si Shanghai Grey (jockey JB Hernandez, owner Melanie Habla).

Ang tatlong-parteng serye ay ginaya mula sa Triple Crown ng Estados Unidos, na bumubuo ng Kentucky Derby, Preakness Stakes at Belmont Stakes.

Sa kaakibat na karera na 3rd leg ng Philracom 209 Hopeful Stakes Race, wagi ang The Accountant (owner Luis Aguila, jockey Pat R Dilema) matapos talunin ang My Shelltex at Two Timer para sa premyong P600,000 mula sa sinumang P1 million na nakalaan.

Ang My Shelltex (owner Antonio Tan, jockey JB Guce) at kumopo ng runner-up prize na P225,000, samantalang and Two Timer (owner Melanie Habla, jockey JA Guce) ay nagbulsa ng P125,000 sa ikatlong puwesto.

Ang mga ibang nanalo noong Linggo ay sina Daginding (Race 1), Helushka (Race 2), Victorious Colt (Race 3), Count Me In (Race 4), Plus (Race 6), Derham Park (Race 8), Bitcoin (Race 9), Salaminsk (Race 10), Dragon Fire (Race 11) at Milford Sound (Race 12).