NAGULAT a n g sambayanang Pilipino kay Philip Salvador sa sinabi niyang, “sa inyo pong lahat na bumabatikos, mamatay kayong lahat! Salamat po.” Ito sagot ng aktor nang hingian siya ng reaksyon tungkol sa mga bumabatikos kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa katatapos lamang na 4th State of the Nation Address (SONA) nitong Lunes, Hulyo 22.

Ogie at Philip

Iisa ang komentong nabasa namin sa pahayag na ito ni Ipe at minabuti naming hindi na lang ito ilathala dahil pagkatao na niya ang kinuwestiyon, lalo na sa hindi niya pagbibigay ng sustento sa mga anak niya, at higit sa lahat, nadamay din ang career niyang matagal nang wala.

Anyway, trending ang panawagan ng talent manager/TV host na si Ogie Diaz kay Phillip na naka-post sa kanyang Facebook page.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Dear Kuya Ipe,

Mahal kita, alam mo ‘yan.

Hindi k o l ang gus t o ‘yung mensahe mo para sa mga bumabatikos sa Pangulo. Mamatay ba agad? Hindi ba p’wedeng “manahimik” lang muna, kahit nga “mamatay kayo sa inggit,” kaya nang tanggapin, eh.

Pero ‘yung mag-wish ka ng death sa mga kababayan mo, partikular sa mga ayaw sa Pangulo? Paano kung may mga kamag-anak kang detractors ng Pangulo? Gusto mo rin silang mamatay, gano’n?

Masasakit ang mga comments sa ‘yo ng netizens. Kahit nga yata ‘yung ibang DDS, hindi nagustuhan ang sinabi mo. Nobody’s perfect. Kahit ang Pangulo, hindi rin perpekto. Lalo na ikaw, ‘di ba?

Kahit naman ako siguro madikit kay Sen. Bong Go, hindi ko kayang sabihin ‘yan. Kahit ‘yun mismong bina-bodyguard mong si Sen. Bong Go, hindi rin kayang sabihin ‘yan.

Kaya sana, hinay-hinay lang. Para hindi mag-reflect sa Pangulo.

Nanghihinayang,

Mama

Gusto naming unawain si Ipe na gusto niyang idaan sa biro ang sagot sa tanong pero namali ang terminong ginamit niya at hindi na niya ito mabawi.

Pero sabi ng netizens, “si Philip sa tuwing bubuka ang bibig, walang magandang sasabihin.”

Anyway, bukas ang pahinang ito para sa paliwanag ni Ipe na supporter ni PRRD at Senator Bong Go.

-REGGEE BONOAN