NANGUNA sa nominasyon ng MTV Video Music Awards (VMA) sina Taylor Swift at Ariana Grande na may sampu bawat isa, nitong Martes. Ikinalungkot ng ilang K-pop fans nang maisantabi ang best-selling Korean bands nila sa kategorya.

Taylor

Ang breakup athem ni Ariana na thank u, next at You Need to Calm Down ni Taylor na patungkol sa social media trolls at mga anti-LGBTQ people, ang naglalaban para sa top prizes na Song of the Year, Best Pop at Video of the Year.

Nominado rin si Ariana sa kategoryang Artist of the Year katunggali ang rapper Cardi B, ang 17-year-old newcomer na si Billie Eilish, Halsey, ang Jonas Brothers at si Shawn Mendes.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Nagsimula ang K-pop music wave sa United States dahil sa Korean boy band na BTS na nakakuha ng tatlong No.1 albums sa Billboard chart nitong nakaraang taon.

Tweet ng isang BTS fan, “BTS outsold. Every single artist in the artist of the year category but the VMAS didn’t wanna see that so they made a whole new category just to not acknowledge the power and influence BTS has had over the whole industry (sic).”

“I am getting so sick of the westerners not giving BTS the due respect. They ignore stats, facts, achievements, charts and the people as well,” dagdag pa ng isang Twitter user.

Hindi nagbigay ng komento ang MTV hinggil dito.

Iaanunsyo sa mismong pagtatanghal sa Newark, New Jersey, Agosto 26, ang lahat ng mananalo sa VMA awards, na binoto at pinili ng fans. Hindi ang fans ang nagdesisyon ng mga kasali sa nominasyon.

Nakatanggap ng pagkilala ang Boy With Luv, collab sa pagitan ng BTS at ng American singer na si Halsey at nominado para sa Best Collaboration, Art Direction at Choreography.

Ang ibang nominees na kabilang sa K-pop field ay ang BLACKPINK, Monsta X, NCT 127, EXO at Tomorrow X Together.

Samantala, tampok sa sa bagong Video for Good field ang mga kantang nagtataas sa kamalayan ukol sa social injustices. Kabilang dito ang You Need to Calm Down ni Taylor, Halsey’s female-empowering Nightmare, environmentally themed Earth ni Lil Dicky at Preach na tungkol sa social injustices ni John Legend.

Kabilang din sa mga nominado ang Land Of The Free, na protesta laban kay U.S. President Donald Trump ng The Killers at Runaway Train na tungkol naman sa mga nawawalang kabataan.

Reuters