UMANI ng bronze medal ang atletang Pinoy, sa pangunguna ni swimming phenom Micaela Jasmine Mojdeh, para patatagin ang kampanya ng Team Philippines sa overall championship sa 11th ASEAN Schools Games nitong Martes sa Semarang, Indonesia.

NAGNINGNING muli sa international competition si swimming phenom Micaela Jasmine Mojdeh (kanan), habang masigasig sa kanilang diskarte ang basketball team na sasabak sa championship sa ASEAN Schools Games. (LEM VALLES)

NAGNINGNING muli sa international competition si swimming phenom Micaela Jasmine Mojdeh (kanan), habang masigasig sa kanilang diskarte ang basketball team na sasabak sa championship sa ASEAN Schools Games. (LEM VALLES)

Nakamit ng 13-anyos na si Mojdeh, inaasahang mapapabilang sa RP Team na isasabak sa SEA Games, ang ikalawang bronze medal at ikalawang bagong Philippine junior record, nang maorasan ng 2:19.51 sa girls 200m butterfly.

Nalagpasan niya ang 2:21.14 Junior National record na naitala niya rin sa PSI Grand Prix Nationals – isa sa ginagamit na batayan sa pagpili ng member ng RP Team – nitong nakalipas na buwan.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Humirit din ang boys quartet nina Phillip Joaquin Santos, Jordan Ken Lobos, Mervien Jules Mirandilla at Miguel Barreto sa Boys 4x100m Medley Relay sa tyempong 3:59.01 para sa bronze.

Tinapos ng Pinoy swimmers ang kampanya na may 1 ginto, 2 silver at limang bronze, sapat para lagpasan ang dating nakamit ng 2 silver at 8 bronze sa nakalipa sna taon.

Sa athletics, bronze din si Hokket Delos Santos sa boys pole vault sa taas na 4.30 meters.

Humirit din ng bronze sina Dayanah Rysiame Hurano sa girls’ triple jump event (11.87m), gayundin ang girls 4x400 meter relay nina Bernalyn Bejoy, Divina Mahusay, Charmaine De Ocampo at Decerie Niala (4:00.49).

Sa pencak silatmnakabronze naman sina Charles Darwin David, Zandro Cruz, Roy Camacho at Marie Adriano sa Tanding Class B (Over 43-47 kg), Tanding Class C (Over 47-51 kg), Tanding Class D (Over 51-55 kg), at girls’ Tanding Class C (Over 47-51 kg), ayon sa pagkakasunod.

Sa kabuuan, nasa ikaanim na puwesto ang Pilipinas sa overall team standings tangan ang 2 gold, 6 silver at 16 bronze medals. Nangunguna ang host Indonesia (31- 25-19) kasunod ang Thailand (26-26-24).

Inaasahang makakausad ang Pilipinas sa pagsabak ng boys at girls basketball team sa basketball finals.

Ginapi ng RP boys ang Malaysia, 118-62, habang nanaing ang girls team sa Indonesia, 70-55.