Nanawagan ang isang senador na ipitigil na ang implementasyon ng Martial Law sa Mindanao.

MARTIAL LAW

Ikinatwiran ni Senate Minority leader Franklin Drilon, dapat nang alisin ang nasabing batas military dahil wala umanong nangyayaring rebelyon at armed uprising sa rehiyon.

Sa ilalim aniya ng batas, maaari lamang ipairal ang Martial Law sa isang lugar nararanasan ang nasabing dalawang elemento.

Probinsya

Philippine Army, nagbigay-pugay sa opisyal na nagbuwis ng buhay sa MV Trisha Kerstin 3

Binanggit din nito ang dating naging plano ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na hilingin sa mga awtoridad na huwag isali ang lungsod nito sa deklarasyon ng batas military.

“We cannot tolerate an ‘unli’ martial law. The continued placing of Mindanao under martial law would set a dangerous precedent, not to mention its economic and social implications,” bahagi ang pahayag ni Drilon.

Inilabas ni Drilon ang reaksyon kasunod na rin ng pahayag ni National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr. nitong Martes na nais irekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalawig pa ng isang taon ng Martial Law.

Isinasailalim sa Martial Law ang Mindanao mula pa noong 2017.

But Drilon pointed out that martial law seems to be the new norm in Mindanao, saying it has been a long time since martial was declared in the region and is already affecting the everyday lives of Mindanaoans.

Iminungkahi rin ng senador kay Esperon na pag-aralan muna nang husto ang sitwasyon sa rehiyon at ikonsidera ang dulot na panganib ng hakbang sa pagpapalawig pa ng deklarasyon ng Martial Law sa Mindanao.

“There is no perpetual martial law. There must be an end to this. As I said before, martial law is like an antibiotic, and antibiotic, when used excessively, becomes ineffective,” ayon kay Drilon.

Ipinaliwanag pa ng senador ang nilalaman ng Section 18 ng Article VII ng 1987 Constitution na nagbibigay kapangyarihan sa Pangulo na isailalim sa martial law ang isang lugar sa loob lamang ng 60 araw.

-Hannah Torregoza