UMUWI na ng Pilipinas si Liza Soberano last Monday, pagkaraan ng halos tatlong buwang pamamalagi sa U.S.A. dahil sa operasyon ng kanyang index finger na nabali sa taping ng Bagani TV series ng ABS-CBN.

Liza

Naging dahilan ng pag-atras sa role bilang Darna ang iniindang injury ni Liza. Pinalitan na siya ni Jane de Leon na agad niyang binati.

Pinayuhan si Liza ng kanyang doktor sa U.S. na magkaroon n g dalawang b u w a n p a n g extended rest, kaya sa September pa ini-schedule ang taping ng bagong television series nila ni Enrique Gil.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Pero puwedeng sumabak sa mas magagaan na trabaho ang dalaga, lalo na’t ayon sa manager niyang si Ogie Diaz, natambakan sila ng pending na endorsement.

“We need to finish all the pending endorsements, Kuya Dindo,” simulang kuwento ni Ogie nang kontakin ko kahapon. At least may work. Ilan ang kailangang tapusin?

“Madami kaming pending, eh. Mga walo.” Hala! ‘Di lang pala work, overwork. “Kailangan at bumili din kasi siya ng house sa U.S. for her lolo and step-lola.” Wow!

“Laki kasi sa lolo at lola, eh.” ‘Di talaga maramot ang alaga niya. “Oo, saka namili din siya ng mga gamit sa bahay while she’s there.”

Gamit na iuuwi para sa bahay dito o para sa bahay doon?

“Para sa bahay na binili doon.” Ibig sabihin, kinumpleto ni Liza ang bahay na binili niya para sa kanyang lolo at lola. Goal-oriented si Liza maging noong kapapasok lang sa showbiz.

Matatandaan na may kundisyon sila ni Ogie na kailangan muna niyang matupad ang pinangarap na sariling bahay, bahay din para sa ama (hiwalay na sa kanyang ina na naiwan sa Amerika), at dalawang sasakyan bago mag-isip na magkaroon ng boyfriend.

Ultimate dream niyang maiuwi sa Pilipinas ang kanyang mga kapatid upang makumpleto sila rito.

-DINDO M. BALARES