Mga Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

4:30 n.h. -- San Miguel vs Northport

7:00 n.g. -- Alaska vs TNT

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

MAKAUSAD kaya ang top 2 teams TNT at Northport o tuluyan na silang masisilat ng dalawang lowest squad na Alaska at San Miguel Beer?

Mabibigyan ng kasagutan ang takot ng mga tagahanga sa pagsabak ng dalawang liyamadong koponan sa kani-kanilang quarterfinals matches ngayon sa 2019 PBA Commissioners Cup sa Araneta Coliseum.

Parehas nabura ang taglay na twice-to-beat incentives ng top seed Katropa at ng No.2 seed Batang Pier makaraan nilang matalo nitong Linggo, ang una sa 8th seed Aces, 72-108, at ang huli sa 7th seed Beermen, 84-98.

Nakataya ang kanilang grand slam bid, nangako ang reigning Philippine Cup champion San Miguel na sisikapin nilang makalusot sa matinding hamon ng Batang Pier.

“We were kinda limping into the playoffs, but now that it’s here, we have to be at our A-Game.We can’t afford any slip-ups in these couple of games,” pahayag ng isa sa kanilang beteranong playmaker na si Chris Ross.

Ngunit, kahit nalipat na sa kanila ang momentum, batid ng Beermen na magiging madali para sa kanila ang manaig sa naipuwersa nilang do-or-die game.

Sa panig naman ng kanilang kalaban, sa kabila ng naging kabiguan ay nananatiling optimistiko sa tsansa nila ang Batang Pier.

na ng Alaska ang gagawing pagbawi ng Katropa mula sa natamong kabiguan sa kanila kung kaya mas paghahandaan nila itong mabuti.

“All we did was get a chance to play a hungry, well-coached, disciplined, tough team on Wednesday after a bad loss.We have to be absolutely great,” ani Aces coach Alex Compton.

-Marivic Awitan