SA sandaling pumasok na sa semifinals stage ang ginaganap na 2019 PBA Commissioners Cup, naniniwala si Gilas Pilipinas head coach Yeng Guiao na mas maraming player kabilang sa pool ang makakadalo sa kanilang ensayo bilang paghahanda sa FIBA World Cup.

Sa ngayon, naiintindihan ni Guiao ang hindi pagsipot ng ilan sa 19 na mga manlalarong kabilang sa pool dahil krusyal ang nagaganap ngayong quarterfinals ng second conference.

“I can’t blame them. I know they have responsibilities with their mother clubs. Mahirap talagang maghati ng attention especially at this crucial stage. We’ll just have to manage whatever opportunities we have,”ani Guiao matapos na 10 players lamang ang sumipot at 9 lamang ang mag-ensayo sa Gilas nitong Lunes ng gabi.

“They cannot focus a hundred percent on what we’re doing because it’s the crucial phase of the playoffs,” dagdag ni Guiao.

Karl Eldrew Yulo, pamilya raw pinakamagandang regalong natanggap

Kasabay ng pagpasok sa semis ng PBA Commissioners Cup, naniniwala si Guiao na karamihan sa mga players ng Gilas ay tuluyan ng malilibre at makakapag ensayo na sa national team dahil apat na koponan na lamang ang maglalaro sa susunod na round.

“We’re just waiting until the other guys get freed up and (can) focus on our practices.”

Kaya naman, kasabay ng semis, magiging araw-araw na rin ang ensayo ng Gilas mula Lunes hanggang Biyernes ganap na 6:00 hanggang 8:00 ng gabi na binigyan na rin ng go-signal ng pamunuan ng PBA.

“Next week, we’ll practice every day. 6:00 to 8:00 p.m. na tayo Monday to Friday,” sambit ni Guiao.

-Marivic Awitan