SENTRO ng talakayan ang paghahanda para sa gaganaping Philippine Professional Sports Summit na inorganisa ng Games and Amusements Board (GAB) sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) bukas sa National Press Club sa Intramuros.

Ilalahad ni GAB Chairman Abraham “Baham” Mitra ang kabuuan ng programa at buting maidudulot para palakasina ng hanay ng professional sports sa bansa, nakatakda ang Summit sa Sept. 24-25 sa Philippine International Convention Center (PICC).

Ito ang ikalawang pagkakataon na magsasagawa ang GAB ng major international sports convention matapos ang matagumpay na 3rd World Boxing Council (WBC) Women’s Convention and Asian Summit nitong Nobyembre.

Makakasama ni Mitra sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Asdociation at HG Guyabano Teaf Leaf Drinks sina GAB Commissioners Mario Masanguid at Eduard Trinidad, Boxing and Contact Sports heads Dioscoro Bautista at Jackie Lou Cacho.

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

Hiniling ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang mga opisyal at miyembro na makiisa sa talakayan na mapapanood din ng live sa Facebook sa pamamagitan ng Glitter Livestream.