ISINAPUBLIKO ni Yeng Constantino ang paghingi niya ng paumanhin sa mga medical staff ng isang provincial hospital sa Siargao, na pinagdalhan ng asawa niya nang maaksidente makaraang mag-cliff diving sa lugar.

YENG

Isinugod sa ospital ang asawa ni Yeng na si Victor ‘Yan’ Asuncion nang ‘tila ay saglit na mawalan ng memorya matapos ang cliff diving. Sa kanyang post, ipinahayag ni Yeng na hindi kaagad binigyan ng karampatang lunas o asikaso ang asawa niya pagdating sa naturang ospital sa Siargao.

Sa kanyang pinakabagong post, sinabi ni Yeng: “Pagkatapos kong kausapin ang mga taong malapit sa akin, I realized I should have been more responsible in my posts. I would like to apologize to Dr. Esterlina Tan and the other medical staff for the hurt that my post and vlog have caused them.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Binatikos ang viral post at Vlog ni Yeng sa Twitter nitong weekend ng maraming propesyunal at medical student at tinawag nila itong “doctor-shaming.” Marami rin ang nagsabi na ang problema ay ang pagiging short-staffed ng mga provincial hospital at kakulangan ng medical equipment at hindi ang mga doktor at staff.

Humingi rin si Congressman Bingo Matugas ng Surigao del Norte sa sinapit ng singer at siniguro nitong maglalatag sila ng mga hakbang pang maging mas ligtas ang Siargao para sa mga foreign at domestic tourists.

“Whatever concerns I had should have been coursed through the proper forum. It was unfair to call her out on social media and I’m taking down the posts and the vlog immediately,” sabi pa ni Yeng.

“I’m deeply sorry for the hurt I caused her at sa lahat ng mga medical professionals who were affected by my posts. There is no excuse. I will do my best to be more responsible next time,” pagtatapos ni singer.

-Andrea Aro