ALAM ba ninyo na bukod sa pagiging komedyante ay isang classical-trained singer si Beverly Salviejo?

Rico J

Kabilang si Beverly sa mga singers who will pay tribute sa yumaong si Rico J. Puno in a concert titled Rico J And His Angels ngayong Martes, July 23, sa Music Museum.

Isa pang classical-trained singer, si Jade Riccio, ang magbibigay-pugay sa iconic singer sa pag-awit niya sa ilan sa mga timeless song ni Rico J.

‘Sayang ang genes!’ Ogie Diaz, matagal nang kinukumbinseng mag-anak si Vice Ganda

Ilang malalapit na kaibigan ni Rico, na sina Pilita Corrales, Claire Delafuente, Eva Eugenio, at Gerphil Flores will do special numbers.

May handog ding awitin at sayaw ang mga anak ni Rico na sina Rox at Tosca Puno, with singer-turn-actress Rita Daniella, at Halili-Cruz Dance Company.

Ang Rico J And His Angels ay produksiyon ng Aliw Award Foundation, Inc., headed by Aliw founder Alice H. Reyes.

Oktubre 30, 2018 nang pumanaw si Rico, na nagpasikat ng mga awiting Kapalaran, Magkasuyo Buong Gabi, May Bukas Pa, at marami pang iba.

-Remy Umerez