Iba’t ibang pekeng produkto na karamihan ay mga bag at beauty products na nagkakahalaga ng P2 bilyong piso, ang nakumpiska mula sa ilang bodega sa Binondo, Maynila, kahapon.

FAKE

Armado ng Letter of Authority na pirmado ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, sinalakay ng grupo mula sa Customs Intelligence and Investigation Service, Customs-Intellectual Property Rights Division at ng Armed Forces of the Philippines ang ilang storage units na hinihinalang naglalaman ng bulto ng mga pekeng produkto.

Nakuha sa mga bodega ang mga pekeng items ng ilang brand kabilang ang Nike, Emporio Armani, Hello Kitty, Swissgear, Iron Man, Louis Vuitton, Hermes, Anello, Columbia, Gucci, Chanel, at Prada.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Iba’t ibang pekeng beauty at skin product, mga sapatos at mga relos na may tatak ng ilang sikat na brand ang nasamsam din sa lugar.

Ayon sa Customs, bago ang operasyon, nakatanggap sila ng impormasyon at reklamo na ilang imported na pekeng produkto ang nakatago sa loob ng mga storage units.

Kinumpiska ang mga prdukto bilang paglabag sa Republic Act 8293, na mas kilala bilang Intellectual Property Code of the Philippines and Section 118 of the Customs Modernization and Tariff Act.

"The Bureau of Customs is relentless in its drive against smuggling of fake products in order to protect legitimate businesses that are diligent in paying duties and taxes that is due the government,” pahayag ni Deputy Commissioner Raniel Ramiro ng Intelligence Group.

-Betheena Kae Unite