MAPAPANOOD ang gitgitan ang pakitang –gilas ng mga premyadong local cyclists – pawang naghahangad na makakuha ng slots sa National Team para sa 30th SEA Games – sa paglarga ng 2019 National Road Cycling Championships simula ngayon sa Tagaytay City.

Kabuuang 114 riders ang sasabak sa men elite at Under 23, habang may 22 siklista ang maglalaban sa women’s division.

Magsisilbing dry run ang karera sa nakatakdang 30th Southeast Asian Games cycling competitions sa Nov. 30 to Dec. 11. Gaganapin din sa lungsod ang mountain bike at BMX events.

“With close to 300 riders joining the national championships, it goes to show that competitive cycling is very much alive in the Philippines,” pahayag ni PhilCycling president Abraham Tolentino. “Cycling remains as an active and enduring sport Filipinos love to practice.”

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Inorganisa ng Ube Media Inc.-Le Tour de Filipinas at suportado ng One LGC, Air21, Go For Gold, Bike X Singapore and 7-Eleven Cliqq Air21 by Roadbike Philippines, matatapos ang karera bukas sa largahan na tatahak sa mga kalsada ng mga bayan ng

Nasugbu, Tuy, Lemery, Agoncillo, Balayan, Lian, Talisay, Calaca at Laurel sa Batangas pabalik sa Tagaytay.