BUMANGON ang Cignal mula sa 1-2 sets na pagkakaiwan, upang ganap na mabawi ang titulo mula sa Go For Gold-Air Force sa pagtatapos ng 2019 Spikers’ Turf Reinforced Conference sa pamamagitan ng 26-24, 21-25, 21-25, 25-23, 15-7 panalo nitong Linggo sa Paco Arena.

“Sabi ko from the start, kahit anong mangyari, kahit na lumamang yung kalaban wala tayong ibang gagawin. Gagawa tayo ng history,” pahayag ni Cignal head coach Dexter Clamor matapos uanng titulo sa coaching career.

“Sabi ko una pa lang, ‘Let’s make history. Mananalo at mananalo tayo.’”

Pinangunahan ni Marck Espejo na syang nahirang na Finals MVP ang panalo sa ipinoste nitong 28 puntos bukod pa sa 24 excellent receptions.Sinundan sya ni Jude Garcia na nag-ambag ng 19 puntos.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Tumapos naman sina team captain Ysay Marasigan at JP Bugaoan ng tig- 13 puntos habang nagtala naman si Vince Mangulaban ng 35 excellent sets at si Manuel Sumanguid ng 19 receptions at 16 digs para sa HD Spikers.

Nanguna naman sa napatalsik na kampeong Air Force si Bryan Bagunas na may 25 puntos kasunod si Conference MVP Ranran Abdilla na may 17 puntos.

Ang kampeonato ang ika-4 ng Cignal sa liga kasunod ng panalo nila sa 2015 Reinforced, 2017 Reinforced, at 2017 Open Conference.

Samantala, kahit natalo sa Game 2, nakopo rin ng PLDT Home Fibr Power Hitters ang bronze kontra Sta. Elena Ball Hammers dahil sa mas mataas na quotient.

-Marivic Awitan