Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
4:30 n.h. -- Magnolia vs Ginebra
7:00 n.g. -- Rain or Shine vs Blackwater
GANAP na mawalis ang kani-kanilang series upang makausad na sa semifinals ang yatangkain ng crowd favorite Barangay Ginebra at Rain or Shine ngayon sa Araneta Coliseum.
Inungusan ng Kings ang katunggaling Magnolia Hotshots, 85-79, habang nasingitan ng Elasto Painters ang Blackwater Elite,83-80, sa Game 1 upang makalapit sa inaasam na semifinals berth.
Nagtala ang Elasto Painters ng 16 na triples, lima sa huling tatlong minuto ng laban upang makahabol mula sa 9 na puntos na pagkakaiwan sa fourth quarter kabilang ang nagsilbing winning triple ni Rey Nambatac may natitira na lamang 2.3 segundo sa laban.
Sa kabila ng bentahe, wala aniyang dahilan ang kanyang team upang maging kampante lalo pa’t determinado ang Elite na makalusot ng playoffs.
Ganap na 7:00 ngayong gabi ang Game 2 ng Rain or Shine at Blackwater kasunod ng Game 2 ng Kings at Hotshots na magsisimula ng 4:30 ng hapon. Magaganap naman ang Game 3 sa Huwebes kung sakali.
Naglatag naman ang Kings ng 8-2 bilang pangtapos at makuha ang 1-0 bentahe sa unang Manila Clasico quarterfinals.
Ang pagkabigo ang ikalimang sunod ng Hotshots mula noong eliminations.
-Marivic Awitan