Standings W L

San Beda 3 0

SSC-R 2 0

CSB 2 0

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew

Letran 3 1

LPU 2 1

Perpetual 1 2

EAC 1 2

JRU 1 3

Mapua 0 3

Arellano 0 3

Mga Laro Ngayon

(Filoil Flying V Center)

12 noon – JRU vs. Perpetual Help (M)

2 p.m. – LPU vs. San Sebastian (M)

4 p.m. – Letran vs. EAC (M)

SUMALO sa defending champion San Beda University sa pamumuno ang tatangkain ng San Sebastian College sa pagsagupa nila sa Lyceum of the Philippines University sa ikalawang laro ngayong hapon sa NCAA Season 95 Men’s Basketball Tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Kasalukuyang nasa ikalawang posisyon ang Stags kasunod ng solong lider Red Lions na may malinis na markang 3-0.

Huli nilang tinalo para sa ikalawang dikit na panalo ang Mapua University nitong Hulyo 16 sa iskor na 92-68.

Isa na namang malaking hamon ang labang ito para sa Pirates magmula ng mag graduate ang kanilang mga itinuturing na lider na sina MJ Ayaay at dating league MVP CJ Perez na nadagdagan pa ng pagka injured ng kanilang Cameroonian slotman na si Mike Nzuesseu.

Liksi at bilis bukod sa kanilang mahigpit na depensa ang tanging sinasandigan ng Pirates at inaasahang muling gagamitin nilang sandata kontra Stags.

Kabilang sa inaasahang magpapakitang-gilas kontra sa mga dati nilang teammates ang mga bagong lipat na sina Enzo Navarro at Jayson David bukod sa itinuturing ngayong mga bagong lider ng team na sina Jaycee at Jayvee Marcelino at team captain Reymar Caduyac.

Gaya ng Stags, huli ring tinalo ng Pirates ang Cardinals sa nakaraan nilang laban noong Biyernes-Hulyo 19 sa iskor na 79-71 upang makabalik sa winning track matapos magulantang sa ikalawa nilang laro kontra Emilio Aguinaldo College.

Magtutuos ang Pirates at ang Stags ganap na 2:00 ng hapon kasunod ng unang salpukan ng Jose Rizal University at University of Perpetual Help ganap na 12:00 ng tanghali.

Magtatangka ang Heavy Bombers na masundan ang unang panalong naitala noong Biyernes kontra Season host Arellano University, 80-77 na tumapos sa panimula nilang tatlong sunod na kabiguan habang tatangkain naman ng Altas na makaahon mula sa dalawang sunod na pagkatalo pinakahuli noong Biyernes kontra Letran, 80-82 sa overtime.

Samantala sa tampok na laro ganap na 4:00 ng hapon, ika-4 na sunod na panalo naman ang aasintahin ng Knights magmula ng mabigo sa kanilang opening game kontra Pirates sa pagsagupa nila sa EAC Generals na sumadsad sa 72-89 na kabiguan sa kamay ng Red Lions noong Huwebes sa kanilang homecourt matapos ang panalo kontra Pirates.

-Marivic Awitan