HINDI man naganap ang inaasahang Guinness World Record, tagumpay na maituturing ng Go For Gold Philippines ang naganap na programa nitong Linggo sa MOA grounds sa Pasay City.

PINANGUNAHAN nina Go For Gold chief Jeremy Go (ikalawa mula sa kaliwa) ang pagtatangka sa Guinness World Record na nilahukan ng mahigit 4,000 basketball fanatics sa MOA grounds nitong Linggo. (RIO DELUVIO)

PINANGUNAHAN nina Go For Gold chief Jeremy Go (ikalawa mula sa kaliwa) ang pagtatangka sa Guinness World Record na nilahukan ng mahigit 4,000 basketball fanatics sa MOA grounds nitong Linggo. (RIO DELUVIO)

“We still achieved our goal,” pahayag ni Jeremy Go, Vice President for marketing ng Powerball Marketing & Logistics Corporation, ang kompanyang nasda likod ng Go For Gold project.

“Those 4,000 people will bring those balls sa mga bahay at barangays nila, at hindi lang isang tao ang makikinabang dyan. Hopefully after this, more people will play the game,” aniya.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Nananatiling record ang 7,556 katao na sabay-sabay nag-dribble sa programa na inorganisa ng United Nations Relief and Works Agency sa Rafah, Gaza Strip, Palestine noong July 22, 2010.

Dinaluhan ng mahigit dalawang daan na national athletes buhat sa triathlon, skateboarding, sepak takraw, wrestling, cycling, volleyball, basketball, chess, canoe-kayak at dragonboat ang nasabing pagtitipon na hudyat din ng pagpapaalala sa bansa na malapit na ang 30th Southeast Asian Games.

Kumpiyana naman si Go na makukuha rin ang record sa susunod na pagkakataon.

“Hindi nagpapatalo ang Pilipino. Uulitin natin ito hanggang makuha natin,” aniya.

Dumating din para sumuporta ang mga manlalaro ng San Juan Knights-Go For Gold, na siyang defending champion ng Maharlika Pilipinas Basketball League,at ang PBA D-League champion Go For Gold-CSB kasama din ang mga manlalaro ng Philippine Navy Sea Lions (basketball)at PH Air Force Spikers (volleyball).

Buo din ang suporta na ipinakita ng Armed Forces of the Philippines, lalo na ang Philippine Navy at ang Philippine Air Force, kasama ang Philippine National Police .

Tampok din sa nasabing event sina Scratch it! brand ambassadors Nadine Lustre at Sam Concepcion.

-Annie Abad