HABANG patuloy ang pang-angat ang kalidad ng mga kompetisyon sa CrossFit, hindi rin mapigilan ang mga atleta sa paghahangad na makamit ang world-class na porma na panlaban sa local at international meet.
Kaya asahan ang puspusang pagsasanay ng mga atletang Pinoy na sasabak sa Reebok CrossFit Games sa Hulyo 29 hanggang Agosto 4 sa Madison, Wisconsin.
Sa unang pagkakataon, hahataw ang Team Philippines sa CrossFit Games, tampok sina CrossTrain.ph brand ambassador Kristen Lim at Justin Hernandez, kasama si Chris Yanguas, head coach ng Avant Garde CrossFit.
Ngayon, pa lang, hindi na mapigilan ni Lim ang pananabik sa pagsabak sa torneo, higit at tangan niya ang bansag bilang unang Pinay na nagkwalipika sa torneo.
“It definitely felt surreal. For years, the CrossFit Games was a competition that was extremely difficult to qualify that we were expecting the younger generation (cross-fitters who started in their early teens) to be the first one to get a chance to participate,” pahayag ni Lim sa eksklusibong panayam sa Manila Bulletin.
Sa edad na 26, ang full-time athlete at coach ay nabibilang na sa listahan ng mga premyadong CrossFit athletes sa bansa. Sa kabila nang pagkakataon, inamin ni Lim na wala siyang nadaramang pressure.
“Honestly in terms of pressure, I don’t think there is. We are not really tipped to win although we are at least expected to make the Philippines proud by performing our best and giving it our all,” aniya.
Mabigat ang laban at iginiit ni Lim na gagawin niya ang makakaya para magkwalipika sa Final round.
“We know that the probability of us getting cut is pretty high. So what we are trying to do right now is setting the proper mindset. We are really here more for the experience and bringing that back with us to the Philippines,” pahayag ni Lim.
-Brian Yalung