BUSY ang schedule ni Jasmine Curtis –Smith sa sunud-sunod na ginagawang pelikula at magiging busy pa siya ‘pag nagsimula na ang taping ng Descendants of the Sun ng GMA-7. Pero habang wala pang taping at panay pa ang training nina Dingdong Dantes kasama ang ibang cast ng DOTS, sa pelikula muna ang focus ni Jasmine.
Tinatapos nila ni Ruru Madrid ang pelikula sa APT Entertainment mula sa direksyon ni Ice Adanan. Gagawin din niya ang Culion kasama sina Iza Calzado at Meryl Soriano na ang balita namin, ay isa-submit sa 2019 MMFF sa finished films category.
Bukod sa nabanggit na dalawang pelikula, may gagawin pang movie si Jasmine kasama sina Carla Abellana at Piolo Pascual. Hindi nga lang maalala ng source namin ang title at story ng movie at kung sino ang director nito.
Samantala, habang nagpapalipas ng oras sa dalampasigan ng Culion, Palawan ay nadismaya si Jasmine sa mga nagkalat na basura na karamihan ay plastic at sachet ng mga produktong ibenebenta nang tingi.
Ipinost ni Jasmine ang larawan ng mga hawak niyang basura at caption niya rito: “Yesterday, when the rain halted and the tides lowered, I took a stroll and spent some few minutes looking for fishes and admiring the quiet afternoon of Culion. Upon walking, I found sachets, a pill pack, plastic utensils and bottle caps. To name a few.
“I’ve only spent a couple of days here but I know their locals are respective of their own islands, they keep their roads, waters and surroundings clean. So, I’d like to ask you all. Do you throw your trash properly? Have you seen the Manila Bay problem? This is not isolated to well known beaches and ports and it’s so unfortunate. No matter where it’s from, the fact that it can casually wash upon our shore is so saddening.”
“I hope we can be disciplined for the future. I hope we all walk up everyday conscious of how we go about our every move, including disposing of trash. Kahit na candy wrapper lang ‘yan, kahit na pwet ng yosi lang ‘yan, kahit na ano pa ‘yan. Ang basura dapat sa basurahan, hindi sa kalsada o sa dagat. Let’s learn to love our mother Earth. Pick up trash whenever and wherever you can. Pocket it ‘til you can bin it.”
Marami ang natuwa sa ginawa ni Jasmine na sana raw ay pamarisan. In fairness kay Jasmine, consistent siya sa panawagan at paalala na matutong magtapon ng basura. Ang dami kasing burara at matitigas ang ulo kahit ilang beses nang pinagsasabihan.
-Nitz Miralles