BAGONG coach, bagong panalo sa New Imus Bandera-Khaleb Shawarma/GLC.

GINAMIT ni JayJay Helterbrand ang malawakna karanasan sa pro league para akayin ang Imus-Bandera sa MPBL Lakan Cup.

GINAMIT ni JayJay Helterbrand ang malawakna karanasan sa pro league para akayin ang Imus-Bandera sa MPBL Lakan Cup.

Muling nakasungkit ng panalo ang Imus, sa pangangasiwa ng bagong coach na si Mac Cuna, matapos ang tatlong sunod na kabiguan nang gapiin ang Soccsksargen Marlins, 82-70, nitong Sabado sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakan Cup.

“I just tried to correct some bad habits that I have observed in the last four games. And basically, I told them to share the ball, kasi napansin ko mas maraming dribble. And I told them to keep the game fast,” pahayag ni Cuan.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

Kumabig ng season-high 39 puntos ang bench ng Imus-Khaleb Shawarma/GLC, sa pangunguna ni James Martinez na kumana ng 14 puntos, apat na rebounds, at tatlong assists. Nag-ambag si Jojo Cunanan ng 10 puntos at tumipa siJerick Nacpil ng siyam na puntos.

“When I see them doing something before, parang they just do it for the sake of doing it. Walang purpose yung ginagawa nila. I just addressed that so that lumabas yung mga natural and individual talent nila,” pahayag ni Cuan.

“Malalim yung line-up eh. I am just taking advantage kung ano yung mga piyesa na mayroon ako. And with us playing fast, it makes us rotate faster. So nagagamit ko sila and nabibigyan ko sila ng opportunity makapaglaro.”

Nanguna si Chad Alonzo na may 15 puntos at 12 rebounds, habang umiskor si Jayjay Helterbrand ng 14 puntos para sa unang home win ng Imus.

“Lumabas din talaga yung laro namin. Sa practice, yung effort, binibigay namin. At the end of the game, team effort talaga,” sambit ni Alonzo. “Lahat ng off the bench, napag-usapan namin sa practice na kailangan namin ng support.”

“I like the energy we had especially in the second half. The bench came in and brought in a lot of energy pressuring the ball and causing a lot of havoc to help us get easy shots,” ayon kay Helterbrand.

Tangan ang 2-3 karta sa Southern Division, sunod na makakaharap ng Imus ang Paranaque Patriots-F2 Logistics sa July 30 sa Olivarez Gymnasium.

Itinataguyod ang kampanya ng Imus Khaleb Shawarma/GLC’s Lakan Cup season ng Khaleb Shawarma, GLC Trucks and Equipment, City Mayor Hon. Emmanuel Maliksi, City Vice Mayor Hon. Ony Cantimbuhan, at Congressman of the 3rd District of Cavite Hon. Alex Advincula.