IPINARAMDAM ng Davao Occidental Cocolife Tigers ang bangis nang ibaon ang koponang Rizal Crusaders,86-55, sa pagpapatuloy ng 2019-2020 Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Season kamakalawa sa Blue Eagles Gym , Ateneo campus sa Quezon City.
Dikdikan ang bakbakan sa unang arangkada kung saan matikas ang pakikihamok ng Tigers team mula Mindanao ni Dumper Party List Rep.Claudine Bautista ng Davao Occidental at inaayudahan nina Cocolife President Atty. Jose Martin Loon,FVP Joseph Ronquillo, AVP Rowena Asnan at SVP Franz Joie Araque.
Natapos ang halftie sa 36-31 bentahe ng Tigers.
Sa ikatlong yugto, tumapak na ng silinyador ang Davao Cocolife , pasimuno si Ilonggo Superman Billy Robles at shooter Joseph Terso upang umabante na sa double digit, 43-33, may walong minuto ang nalalabi sa third period.
Sinundan ito ng eksplosibong opensa ni Mark Yee at new recruit James Forrester katuwang din ang beteranong si Emman Calo upang iposte ang 63-39 pagbaon sa tropang Rizal na tinampukan ng 27-8 run.
Nag-ingay pa ng husto ang Tigers sa final quarter sa pagtutulungan nina Richard Albo, na pinag-alab ng nagbabagang 12 puntas na ragasa ni Yee kabilang ang back-to-back triples nito upang maitala ang pang -23 na double-double performance sa ligang inorganisa ni Senator Manny Pacquiao.
“Nabigyan ng pagkakataong patunayan ng mga bagong manlalaro natin ang maiaambag nila sa koponan and they responded very well.Magandang senyales ito upang mas lumakas ang kumpiyansa at adrenaline sa future games lalo na iyong mga makakalaban nating mga contenders sa liga, one game at a time,” sambit ni Tigers deputy team manager Ray Alao.
Naglaro ang malakas na Tigers minus ang kanilang frontliners na sina Bonbon Custodio at Ivan Ludovice..Ang Davao Tigers au umakyat pa sa 4-1 kartada habang nabaon naman sa 1-3 ang Rizal s south division.