Gaya ng inaasahan, nahalal ngayong Lunes na House Speaker ng 18th Congress si Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano, makaraang makakuha siya ng 266 sa 300 possible votes sa two-way speakership contest.

House Speaker Alan Peter Cayetano

House Speaker Alan Peter Cayetano

Tumanggap naman ang nagbabalik-Kamara na si Manila Rep. Bienvenido Abante, isang obispong Kristiyano, ng 28 boto at inaasahang magiging minority leader kapag kinilala na ng mga hindi bumoto kay Cayetano ang kanyang pamumuno sa kinikilalang minorya.

Hindi naman kinontra ni Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte, panganay ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang Speakership ni Cayetano makaraang mag-usap sila nitong weekend.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Matatandaang inendorso mismo ni Pangulong Duterte si Cayetano para maging susunod na Speaker sa unang 15 buwan, na may term-sharing kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, na mamumuno naman nang 21 buwan pagkatapos ni Cayetano.

Sa Senado, nanatili sa puwesto si Senate President Tito Sotto.

-Ben R. Rosario