Mga Laro Ngayon (Araneta Coliseum)

4:30 n.h. -- TNT vs Alaska

6:45 n.g. -- Northport vs San Miguel

Sisikaping mapangatawanan ng TNT at Northport ang kanilang pagtatapos bilang top 2 teams sa nakaraang eliminations sa pagsagupa nila sa dalawang lowest teams na pumasok sa top 8 sa pagpapatuloy ng 2019 PBA Commissioners Cup quarterfinals ngayon sa Araneta Coliseum.

Agad ding sinimulan ang quarterfinals kahapon sa pagtatapat ng No. 3 seed Blackwater at No. 6 seed Rain or Shine at ng No. 4 seed Barangay Ginebra at 5th seed Magnolia sa kani-kanilang best of 3 series kasunod ng nangyaring playoff sa pagitan ng Alaska Aces at Meralco Bolts nitong Biyernes ng gabi para sa 8th at last quarterfinals berth.

Ateneo, nanawagang itigil na pag-atake sa kanilang student-athletes, managers

Terrence Jones (PBA Images)
Terrence Jones (PBA Images)

Bilang top two teams, kapwa may bentaheng twice-to-beat ang Katropa at ang Batang Pier kontra sa kani-kanilang katunggali, ayon sa pagkakasunod.

Isang beses lamang kailangang talunin ng Katropa ang 8th seed Alaska na makakaharap nila ngayong 4:30 ng hapon upang makausad ng semifinals at gayundin ang Batang Pier kontra 7th seed San Miguel sa kanilang duwelong mag-uumpisa ng 6:45 ng gabi.

At dahil sa taglay na insentibo, kapwa pinapaboran ang Katropa at Batang Pier kontra sa kanilang katunggali.