Inaabangan mo na rin ba ang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte bukas?

sona

Isa ka ba sa mga tututok sa telebisyon at sa live straming para abangan ang mga dadalo at rarampa sa red carpet, o kasama sa maghihintay sa mga ad lib at jokes ng Pangulo sa kanyang ikaapat na SONA?

Tuwing SONA, umaasa ang lahat na makakarinig ng magandang balita at positibong updates sa mga pagbabago, kahit abutin pa sila nang ilang oras sa panonood.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Taong 2016, sa unang SONA ni Pangulong Duterte, marami ang nag-abang na marinig ang mga plano niya para sa bansa, lalo na’t sumikat—at nanalo siya—sa campaign line niyang “Change is coming”.

Sinabi niyang isa sa mga prioridad niya bilang presidente ay ang kampanya kontra krimen at droga, at sa loob lang daw ng anim na buwan ay alam na natin ang naging resulta nito.

Matatandaang pinirmahan din niya ang Executive Order ng Freedom of Information bill sa unang 25 na araw ng kanyang termino.

Kasama sa mga hindi malilimutang pangyayari noong SONA 2016 ay ang pagdidirehe ng premyadong si Brilliante Mendoza sa SONA, na binatikos ng marami dahil sa mga hindi raw kagandahan niyang mga anggulo.

Sa kabila nito, siya pa rin ang naging direktor sa SONA 2017.

Sa SONA 2017 naman, muling binigyang-diin ni Pangulong Duterte ang war on drugs, sinabin desidido siyang sugpuin ang lahat ng drug lord at drug pusher.

Sinabi rin niya na pinahahalagahan niya ang human rights sa pagpapatupad ng war on drugs.

Nabanggit din niya noon ang planong ibalik ang death penalty sa ating bansa. Kasunod nito, pinirmahan din ni Pangulong Duterte ang Executive Order para sa smoking ban sa bansa.

Nabanggit din sa SONA 2017 ang patuloy na pagpapatupad ng K to 12 program at ang TRAIN law.

Sa SONA 2017 din ay hiniling ng ating Pangulo sa Amerika na ibalik sa bansa ang Balangiga Bells ng Eastern Samar, na kinuha ng mga sundalong Amerikano noong 1901, pero naibalik din naman noong 2018, makalipas ang 117 na taon.

Nag-trending naman sa Twitter ang pangatlong SONA noong 2018, dahil sa iba’t ibang memes na ginawa tungkol sa mismong speech ng Pangulo, at sa mga pulitikong dumalo.

Sinasabing ang speech ng Pangulo sa SONA 2018 ang pinakamaikli niya, kumpara sa dalawang naunang SONA, dahil nagtagal lang ito ng 50 minuto.

Binansagan din ng netizens na “boring” ang speech ng Pangulo, kung ikukumpara sa dati na maraming jokes at ad lib ang Presidente.

Pero bago pa man mailahad ng Pangulo ang SONA, naging makasaysayan ang araw na iyon dahil sa biglaang paghahalal ng mga kongresista kay noon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo bilang bagong House Speaker, matapos na patalsikin sa puwesto si Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez—na nasa labas ng session hall upang salubungin ang pagdating ni Pangulong Duterte.

Na-delay noon nang ilang oras ang SONA.

Nabanggit din sa SONA 2018 ang panawagan ni Pangulong Duterte na magsagawa ng batas na mag-aalis sa lahat ng klase ng contractualization.

Isa rin sa mga matunog na issue ay ang pagsasara ng Boracay para sa rehabilitasyon nito.

Hindi rin nakalimutan ng Pangulo na pasalamatan ang mga sundalong lumaban at namatay sa Marawi City, Lanao del Sur, makaraang limang buwang kubkubin ng Maute ISIS ang lungsod, na nagbunsod sa pagpapatupad ng martial law sa siyudad hanggang sa Disyembre 31, 2019.

Sa kanyang ikaapat na SONA bukas, Hulyo 22, marami ang tututukan ang mga updates sa mga plano at polisiya ng Pangulo ngayong taon, at nagsisipag-abang sa paglalahad ng kasalukuyang sitwasyon ng Pilipinas at kung ano ang direksiyon na inaasahang tatahakin nito sa mga susunod na taon.

-Angelli Catan