Ni NIMROD RUBIA

KAPWA nagpahayag ng panalong knockouts ang kampo nina Senator Manny ‘Pacman’ Pacquiao at American undefeated welterweight champion Keith ‘One Time’ Thurman.

Pacquiao vs. Thurman
Pacquiao vs. Thurman
Sa ikinilos ng dalawa sa ginawang weigh in nitong Biyernes (Sabado sa Manila), walang duda na magiging kapana-panabik ang tagpo ng laban ng dalawang kampeon sa MGM Grand Arena sa Las Vegas sa Sabado ng gabi (Linggo sa Manila).

Nagsimulang dehado si Pacquiao (61-7-2, 39 KOs), ngunit sa ginanap na final media press conference nitong Biyernes, umakyat na sa pustahan bilang liyamado ang Pinoy champion, tanging fighter sa mundo na nakapagwagi ng walong titulo sa walong division.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

"[Saturday] night, class is in session," pahayag ng 40-anyos na si Pacquiao. "I hope Keith Thurman studied hard because Professor Pacquiao gives very hard tests."

Ito ang ikaanim na pagdepensa ni Thurman sa 147-pound world title, ngunit tulad niya, kondisyon si Pacquiao, ang secondary titlist, na tumimbang din sa bigat na 146½ pounds.

"I am so focused for this fight, for this training camp, and I'm ready," pahayag ni Pacquiao."I am so prepared for this fight."

Iginiit naman ni Thurman (29-0, 22 KOs), 30, tubong Clearwater, Florida, na panahon na para maipakita kay Pacquaio ang daan tungo sa pagreretiro.

“This is 'One Time.' Manny Pacquiao ain't doing nothing to me, baby," pahayag ni Thurman.

Parehong may issue ang dalawang boksingero. Ang 30-anyos na si Thurman ay madalas na may injury, at kababalik lang mula sa 22 buwan na pagpapagaling sa injury sa kanang siko at kaliwang kamay, matapos ang laban niya kay Josesito Lopez.

Sa nasabing fight, sa ikalimang beses ay napanatili ni Thurman ang kanyang 147-pound world title sa Brooklyn, New York.

Si Pacquiao naman ay 40-anyos na at ipinapalagay na patungo na sa dapit-hapon ang boxing career.

“I'm gonna make a big statement. You are not gonna want to miss this fight, especially because it's about to be this man's last fight,” hirit ni Thurman sa ginanap na media conference.

“I believe boxing has come to a new era. Floyd is gone. Pacquiao's here. Come July 20, he will disappear. He's a legend. He will always be remembered, but I'm going to do to Manny Pacquiao what he did to Oscar De La Hoya. Oscar De La Hoya never fought again. Facts,” ani Thurman.

Ngiti lang ang isinagot ni Pacman—may record na 61-7-2, 39 ang KOs—sa pahayag ni Thurman.

Batay sa kasaysayan, hindi lamang si Pacquiao ang boksingerong na sumasabak pa sa laban at nagwagi sa edad 40.