MAHIGIT isang buwan na ang nakalipas nang maaksidente ang legendary actor-director na si Eddie Garcia habang nagte-taping ng seryeng Rosang Agimat nitong Hunyo 8.

Kahapon, monthsary ng pagkamatay ng premyadong aktor at direktor—na binawian ng buhay nitong Hunyo 20 makaraan ang ilang araw na pagka-comatose—pero wala pa ring nababasa ang publiko kung ano na ang resulta ng imbestigasyon ng GMA-7 sa aksidente.

Ayon sa aming impormasyon, ang pamilya ni Sir Eddie ang may permiso kung isasapubliko o hindi ang resulta ng imbestigasyon ng network sa nangyari.

May nagsabi naman na may permiso si Sir Eddie na gawin ang nasabing maaksiyong eksena, at ang pagkukulang naman sa panig ng GMA ay wala itong ambulansiya at medical team sa location ng taping.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Bilang public figure, gusto ring malaman ng publiko kung ano ang resulta ng imbestigasyon ng GMA, dahil halos lahat ng involved sa serye ay may bago ng programa habang may ginagawa na ring bagong pelikula ang direktor nitong si Toto Natividad.

“News blackout ang result (imbestigasyon)?” ito ang pahayag ng ilang taga-showbiz.

Hinihintay din ng publiko ang resulta ng sariling imbestigasyon ng sangay ng Department of Labor and Employment (DoLE) sa GMA Network, na wala pa ring balita hanggang ngayon.

-Reggee Bonoan