Laglag sa kamay ng pulisya ang isang babae at kasama nitong lalaki makaraang makumpiskahan ng nasa kabuuang P198, 560 halaga ng umano'y shabu sa kanilang tirahan sa Taguig City, nitong Sabado.

SHABU

Kinilala ang mga suspek na sina Maribel Cornillez at Wilson Oroso, kapwa nasa hustong gulang at residente sa South Daang Hari, Taguig City.

Sa ulat ng Taguig City Police, nagsilbi ng search warrant ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) at Police Community Precinct (PCP) 3 laban sa dalawang suspek sa South Daang Hari sa nasabing lungsod, dakong 1:30 ng hapon.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Nasamsam sa dalawang suspek ang isang shoulder bag, digital weighing scale, brown metal case, dalawang gunting, lighter, isang pack empty plastic sachet at 13 selyadong pakete na naglalaman ng umano'y shabu na may timbang na 29.2 gramo at nagkakahalaga ng P198, 560.

Patuloy na iniimbestigahan ang mga suspek sa tanggapan ng SDEU at nakatakdang isailalim sa inquest proceedings sa Taguig Prosecutor's Office para sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165).

-Bella Gamotea