NAKA-DISABLE pa rin ang comment box sa social media account ni Xian Lim kung saan may post siya tungkol sa isang nang-insulto umano sa kanya bilang direktor.
Isa kasi sa 2019 Cinemalaya entry ang first directorial job ni Xian na Tabon, at obviously, may mga naiinggit kay Xian, na direktor na rin ngayon.
Ang sabi, direktor ang pinatamaan ni Xian sa nasabing post niya. Comment naman ng mga nakabasa, baka hindi pa nakasali sa Cinemalaya ang mga pelikulang ginawa ng nasabing direktor.
“You can insult me, mock me all you want, take everything away from me and strip me with nothing but don’t you dare question my professionality, passion and the amount of work I am willing to put in my craft in ALL the projects I make,” bahagi ng post ni Xian.
“I may not be the best but I will work my ass off to give you results. As an artist I am willing to do whatever it takes to deliver even if it kills me. I will move mountains, give my own sweat and blood, take the leap of faith for my staff and all the people around me who shares the same vision as I do.
“I refuse to be a victim of your insensitivity towards people. DONE. Signing off social media for a while. What a waste of time watering dead plants.”
Mukhang naapektuhan si Xian sa kung anuman ang sinabi ng direktor na nang-insulto sa kanya, dahil in-off na nga niya ang comment box sa post niyang ‘yun, at hindi rin muna raw siya magso-social media.
Samantala, aktor naman si Xian sa Viva Films movie na Untrue, kasama si Cristine Reyes, na malapit nang mapanood.
-NITZ MIRALLES