PALIBHASA’Y hindi lang entertainment writer kundi filmmaker na rin, matalas ang obserbasyon ni Katotong Roland Rafer.

Enzo at Sunshine

“Lalo pang gumanda at mas lumakas ang sex appeal ni Sunshine (Cruz), ‘no?” sabi ni Direk Roland nang mapanood ng reporters ang teaser ng Malamaya (The Color of Ash) sa press launch ng pelikula.

Dahil nagkaroon na ng depth o naging complex na ang personality compared nang unang sumabak sa sexy films noong younger pa si Sunshine. Matatandaan na hindi nagtagal ang pagpapaseksi niya dahil napangasawa na siya at hindi na ipinagpatuloy ang naturang career path. Kahit single na uli, natagalan muna bago muling napapayag si Sunshine na balikan ang daring roles.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Erotic at nakakakiliti ng imahinasyon ang mga ipinakitang eksena sa teaser ng Malamaya, pero may taste. Hindi malaswang panoorin maging ang pumping scene ni Sunshine sa bed scene nila ni Enzo Pineda sa May-December plot.

Sa tunay na buhay, katutuntong lang ni Sunshine sa 42 anyos at 29 years old naman si Enzo, kaya bagay na bagay sa kanila ang istorya ng pelikula.

Gumaganap si Sunshine bilang middle-aged visual artist na si Nora na nawalan na ng gana sa buhay. Muling nanariwa ang kulay ng kanyang mundo nang makilala niya ang photographer na si Migs (Enzo).

Dalawang babae ang direktor ng Malamaya, ang first-time filmmakers na sina Leilani Chavez at Danica Sta. Lucia, kaya maingat ang handling at tastefully done ang mga kuha.

“Our movie is definitely more than sex,” may pagmamalaking pahayag ni Sunshine. “It’s a story about the fusion of love and art. Nagugulat nga ako sa headlines ng write-ups about us, which is about me having sex with a younger actor, si Enzo Pineda. But we didn’t just do a sex movie and viewers should expect more than just love scenes and bed scenes, although meron ngang ganoong mga eksena. Our movie is definitely more than that.”

Pumayag siyang gawin ang Malamaya dahil nagandahan siya sa kuwento.

“I found my role very challenging. Also, both the directors are women, so I know they will take good care of me, kaya ‘di ako nagdalawang-isip na tanggapin ang offer,” dagdag pa ni Sunshine.

At dahil din Cinemalaya Film Festival entry ito. Matagal na niyang pangarap na mapasali sa Cinemalaya.

“I am grateful for this chance to have an entry now.”

Mapapanood ang Cinemalaya entries sa Agosto 2-11 sa Cultural Center of the Philippines at sa Ayala at Vista theaters. May regular play date din ang Malamaya sa commercial cinemas nationwide simula August 14.

-DINDO M. BALARES