Binawasan ni Pangulong Duterte ng siyam na pahina ang 28-pahinang State of the Nation Address (SONA) speech niya para sa Lunes.

ALL SET Nililinis na ngayong Sabado ang red carpet sa bungad ng Batasang Pambansa ng Kamara de Representantes, bilang paghahanda sa ikaapat na SONA ng Pangulo sa Lunes ng hapon. ALVIN KASIBAN

ALL SET Nililinis na ngayong Sabado ang red carpet sa bungad ng Batasang Pambansa ng Kamara de Representantes, bilang paghahanda sa ikaapat na SONA ng Pangulo sa Lunes ng hapon. ALVIN KASIBAN

Ito ang kinumpirma ni Presidential Communications Operation Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na nagsabing kabilang ang Pangulo sa nag-e-edit sa speech nito simula nang ito ay maging punong ehekutibo.

"So far ‘yung ating SONA preparations ay on its full swing. At for the past three years siya talaga ang nag-e-edit ng speech," paliwanag ng kalihim.

National

'Mayor Magalong, nagsabi mismong may mali sa pagpapatupad ng EJK!'—Palasyo

Kaugnay nito, inaasahang magiging payak lang ang SONA ni Duterte, at hindi magmimistulang fashion show na katulad ng ginawa ng mga nakaraang administrasyon.

Ipinaliwanag ni Andanar na magiging sensitibo na ang mga pulitikong dadalo sa SONA at kalimutan na ang eleganteng pagtrato sa mga ito dahil sa iba’t ibang style ng kanilang kasuotan.

"Karamihan sa atin mga pulitiko ay sensitive diyan sa ating mga kababayan, siguro naman—like the previous SONA, maraming nag-recycle, ‘di ba? Sa kanilang mga gowns.

“Sa lalaki naman, simpleng barong lang, ‘di ba, so okay na iyon eh. So tingnan natin kung anong mangyayari, kasi siyempre aabangan din ‘yan,” paliwanag ni Andanar.

Dapat aniyang itampok sa mga events, katulad ng SONA ang kultura ng Pinoy, katulad ng ginagawa ng ibang Southeast Asian countries.

"Kailangan ding ipagmayabang iyong ano eh, iyong fashion ng Pilipino eh. ‘Hindi ba, iyong Filipiniana. 'Pag may ASEAN, halimbawa sa Bangkok, ASEAN doon… makikita mo talagang ang sinusuot nila iyong kanilang national ano eh, iyong national dress; at ganoon din sa Jakarta, ganoon din sa Cambodia and they’re very nationalistic eh,” sabi pa nito.

Gumagamit, aniya, ang ibang South East Asian countries ng kianilang traditional o national costumes sa normal settings o business activities.

“Talagang nakaano sila, national dress sila... Palagay ko, it’s about time for us also in the Philippines to practice that habit," idinagdag pa ni Andanar.

Argyll Cyrus B. Geducos