Simula sa Lunes, Hulyo 22, ay aabutin na lang ng isang araw ang pagkuha ng mga business permits sa Manila City Hall.

ACTION MAN Pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno ang paglilinis nitong Biyernes, Hulyo 19, sa slaughterhouse sa Vitas sa Tondo, Maynila. ALI VICOY

ACTION MAN Pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno ang paglilinis nitong Biyernes, Hulyo 19, sa slaughterhouse sa Vitas sa Tondo, Maynila. ALI VICOY

Ito ay makaraang lagdaan ni Manila Mayor Isko Moreno ang Executive Order No. 8, na lilikha sa Business One Stop Shop o “BOSS”, para gawing tatlong hakbang na lang ang pagkuha at pagsasaayos ng business permits sa lungsod.

Dati ay inaabot umano ng walong araw hanggang isang buwan ang pagkuha ng business permits sa Maynila, dahil sa 11 prosesong kailangang pagdaanan ng aplikante.

National

'Mayor Magalong, nagsabi mismong may mali sa pagpapatupad ng EJK!'—Palasyo

Ang BOSS ay isang lugar para sa Business Permits and Licensing System (BPLS) na tatanggap ng mga aplikasyon at bayad, at mag-iisyu ng mga inaprubahang lisensiya, clearance, permit, at authorizations.

Bukod sa Bureau of Permits at License Division, isinama rin ni Moreno sa one-stop shop, ang mga tanggapan ng City Treasury Cash Division, City Planning and Development office (CPDO) Zoning Division, City Engineering/Building Office kabilang ang Electrical Division, Manila Health Department, Electronic Data Processing (EDP), at iba pang regulatory offices.

Nabatid na nilagdaan ni Mayor Isko ang EO, alinsunod sa RA 11032 (Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018).

Mary Ann Santiago