LIBRENG mapapanood ng mga Manilenyo ang pinakaaabangang boxing fight sa pagitan nina Senator at Pambansang Kamao Manny ‘Pacman’ Pacquiao at Keith Thurman sa mga Sports Complex sa Lungsod ng Maynila.

HUMARAP sa media para sa huling press presentation sina Pacquiao at Thurman bago ang pinakaabangang laban sa MGM Grand Arena sa Las Vegas. Boxingscene

HUMARAP sa media para sa huling press presentation sina Pacquiao at Thurman bago ang pinakaabangang laban sa MGM Grand Arena sa Las Vegas. Boxingscene

Nakatakda ang unification bout sa Sabado (Linggo sa Manila).

Ayon kay Julius Leonen, head ng Public Information Office ni Manila Mayor Isko Moreno, bubuksan ng lokal na pamahalaan ang mga sports complex sa lungsod kabilang ang Tondo Sports Complex, Delpan Sports Complex, Patricia Covered Court, Baseco Covered Court, Dapitan Sports Complex, Sarmiento Covered Court, at San Andres Sports Complex, para sa public viewing ng laban ganap na 8:00 ng umaga.Libre lamang umano ang panonood at wala na ring kinakailangan pang passes para dito.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sinabi ni Leonen na ang libreng public viewing ay pangangasiwaan ng Manila Tourism and Cultural Affairs Bureau (MTCAB).

Ang Pacquiao at Thurman fight ay gaganapin sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

-Mary Ann Santiago