NAIPOSTE ng Letran ang ikatlong sunod na panalo makaraang ungusan ang University of Perpetual Help sa overtime, 82-80, kahapon sa pagpapatuloy ng NCAA Season 95 men’s basketball tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Nagtala ng 22 puntos, 2 assists at isang rebound si Bonbon Batiller upang pamunuan ang nasabing panalo ng Knights na nag angat sa kanila sa 3-1 marka.

Si Batiller din ang nagbuslo ng krusyal na split free throw may nalalabi na lamang 4.6 segundo sa extension period.

May tsansa pa sana si Jielo Razon na maihatid ang laro sa second overtime ngunit tumalbog lamang sa rim ang kanyang baseline jumper kasabay ng pagtunog ng final buzzer.

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew

“A win is a win, two points, but we still need to learn how to close out games,” wika ni Letran coach Bonnie Tan.

Nag step-up din para sa Knights si Renato Ular na nagtala ng 19 puntos at 13 rebounds.

Nauna rito, inihatid ni Edgar Charcos ang laro sa overtime sa pamamagitan ng isang 3 pointer may 4.1 segundo ang natitira sa regulation na nagtabla sa iskor sa 70-all.

Dahil sa kabiguan, bumaba ang Altas na pinamunuan ni Charcos na may 15 puntos, 10 rebounds at 8 rebounds sa markang 1-2.

-Marivic Awitan

Iskor:

LETRAN (82) - Batiller 22, Ular 19, Muyang 10, Ambohot 9, Balanza 9, Caralipio 5, Sangalang 5, Yu 2, Olivario 1, Mina 0, Reyson 0, Pambid 0, Javillonar 0

PERPETUAL (80) - Charcos 15, Peralta 14, Sese 13, Adamos 12, Aurin 11, Razon 11, Sevilla 2, Egan 2, Lanoy 0, Tamayo 0, Giussani 0, Barasi 0, Cuevas 0

Quarterscores: 11-17, 33-30, 56-48,