TANGING national sports association (NSA) na may basbas at kinikilala ng International Federation (IF) ang may karapatang bumoto sa special election ng Philippine Olympic Committee (POC) sa Hulyo 28 sa Century Park Hotel.

Ito ang napagkasunduan sa general assembly meeting nitong Huwebes matapos maiakyat ang usapin hingil sa karapatan ng Karate Association na makiisa sa proseso.

Ang Philippine Karate-do Federation ay ilan lamang sa NSAs na dumaranas ng leadership crisis. Ang PKF na dating pinamumunun ni POC first vice president Joey Romasanta ay inalis na sa listahan ng International Federation matapos masangkot sa korapsyon ang ilang opisyal nito. Ang bagong grupo na pinamumunuan ni Richard Lim ang siyang kinikilala ngayon ng IF.

“Kung sino ang may basbas ng IF yung ang boboto,” sambit ni POC Board member Prospero Pichay.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Hindi naman natalakay ang parehong suliranin sa iba pang NSAs, tulad ng Philippine Volleyball Federation (PVF) na nananatiling miyembro ng FIVB, habang ang Larong Volleyball ng Pilipinas, nabuo sa liderato ni dating POC chief Jose Cojuangco, ang kinikilala ng POC.

Pormal ding inaprobahan ng mga miyembro ngPOC election committee.

Ang mga posisyon ng presidente, chairman at dalawang board members ang siyang pupunan ng POC, sa ilalim ng pangunguna ng mga electoral committee na sina Fr. Vic Calvo ng Letran, Atty. Teodor Kalaw IV at ang Abono partylist Rep. na si Conrado Estrella.

Kasabay nito, aprobado din ng POC ang kabuuang 46 national sports associations (NSAs) na may karapatang bumoto para sa mga ihahalal na opisyal, kung saan buhat sa orihinal na bilang na 43 NSAs, idinagdag ng nasabing kumite ang ga sports na Skateboarding, Ice Hockey at Karatedo Federation.

Nagpadala ng kanilang kinatawan ang International Olympic Committee (IOC) at Olympic Council of Asia (OCA) ang nagmasid sa nasabing GA, sa katuhan ni Narinder Dhruv Batra ng Indian Olympic Committee at International Hockey Federation.

Sa mga sandaling ito ay nagpahayag ng kanyang intensyon na tumakbo bilang presidente si dating POC chairman Abraham “Bambol” Tolentino, kung saan kinumpirma naman niya na tatakbo sa ilalim ng kanyang tiket si Taekwondo president Robert Aventajado bilang chairman.Si dating POC board member Clint Aranas ay matunog din ang pagtakbo bilang presidente gayundin si Athletics chief Philip Ella Juico.

-Annie Abad