DUMATING na ang pagkakataong hinihintay ni undefeated Filipino featherweight John Leo Dato na magsisilbing undercard sa WBA welterweight unification bout nina eight-division titlist Manny Pacquiao at Keith Thurman bukas sa Las Vegas, Nevada sa United States.

Sasagupa ang 26-anyos at tubong Bangar, La Union na si Dato kontra sa beteranong si dating WBC United States super bantamweight titlist Juan Antonio Lopez ng Mexico na aangat sa featherweight division para harapin ang ikatlong Pinoy boxer na makakaharap niya sa ibabaw ng ring.

Mas bata sa edad na 25-anyos si Lopez na tinalo via 5th round technical decision si Filipino Ranel Suco noong Abril 27, 2017 sa Anatole Hotel, Dallas, Texas para sa bakanteng WBC US super bantamweight crown.

Ngunit hindi umubra ang tikas ni Lopez kay “Magic” Mike Plania nang talunin siya ng Pinoy boxer via 8-round unanimous decision noong nakaraang Enero 13 sa Microsoft Theatre, Los Angeles, Californa.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

May rekord si Lopez na 14-6-0 na may 6 pagwawagi sa knockouts kumpara sa walang talong si Dato na may kartadang 11 panalo, 7 sa pamamagitan ng knockouts at 1 tabla.

-Gibert Espeña