MAY bagong koponan ang tiyak na kokoronahan sa labanan ng 14 na matityikas na magkakaribal sa 2019 PBA D-League Foundation Cup na magbubukas sa Hulyo 25 sa Paco Arena sa Manila.

Ang Aspirants’ Cup runner-up na Centro Escolar University at Marinerong Pilipino ang mga koponang nangunguna sa Group A kung saan kasama nila ang AMA Online Education at mga baguhang teams na Asia’s Lashes, Hazchem Inc., iWalk, at NailTalk-St. Dominic Savio.

Para naman sa Group B, mamumuno ang koponan ng BST Basilan-St. Clare kung saan kasama nila ang mga school-based teams Technological Institute of the Philippines at McDavid-De La Salle Araneta gayundin ang mga newcomers na Alberei Kings, Black Mamba Energy Drink, Hyperwash Vipers, at Italianos Shoes.

Base sa format ang lahat ng teams ay maglalaro sa single round robin sa eliminations kung saan ang top four teams sa magkabilang grupo ay maghaharap sa quarterfinals taglay ng top two teams ang twice-to-beat advantage.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ang mga magwawaging koponan ay uusad sa crossover semifinals na kapwa best-of-three series kung saan ang mamamayani ay magtutuos sa isa ring best of 3 finals.

-Marivic Awitan