ISA s a mahuhusay a t matatagumpay na direktor sa bansa si Cathy Garcia Molina. Tulad ni Laurice Guillen, binubusisi niyang maigi ang anumang idinidirek niya. Patok din siya sa takilya, kaya naman binansagan siyang box office hit director.

Kathryn

S a H e l l o L o v e Goodbye, nagkuwento si Kathryn Bernardo na literal na maraming hirap siyang dinanas sa pagganap niya bilang OFW sa Hong Kong.

Kuwento niya, pinaglinis siya ni Direk Cathy ng toilet bowl, pinagbawalan siyang gumamit ng cell phone, at binawalan din ang mga iba pang cast sa pelikula na kausapin siya sa shooting.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Sa mediacon ng pelikula, inamin ni Kathryn na muntik na niyang bitiwan ang nasabing project, na unang team-up nila ni Alden Richards sa Star Cinema.

Paliwanag naman ni Direk Cathy, gusto niyang ma-feel ni Kathryn ang role both mentally and physically. Tinitiyak naman ng direktora na hahangaan ng mga manonood si Kathryn sa Hello, Love, Goodbye dahil sa makatotohanang pagganap ng aktres.

Kung sakali, maghahakot na naman kayang muli ng Best Actress award si Kathryn sa pagganap niya sa Hello, Love, Goodbye?

Matatandaang ngayong taon ay dalawang Best Actress awards— mula sa 3rd Entertainment Editors Choice (Eddy) Awards at PMPC Star Awards—na ang nasungkit ni Kathryn sa pagganap niya sa The Hows of Us, ang blockbuster hit nila ni Daniel Padilla last year.

-REMY UMEREZ