AGAW pansin si Pinoy racer Troy Alberto sa katatapos na Chang International Circuit- Honda Thailand Talent Cup.

Tanging Pinoy na sumabak sa torneo, naitala ni Alberto ang magkasunod na panalo sa Race 1 at 2 para makamit ang ikalawang puwesto sa prestihiyosong karera.
Sa Race 1, nakipaggitgitan tungo sa finish line si Alberto sa mga karibal na sina Azryan Dheyo Wahyumaniadi at Herlian Dandi ng Indonesia.
Hindi nagbago ang momentum sa Race 2 nang lagpasan ni Albero ang mga karibal na sina Watcharin Tubtim-on ng Thailand at Herlian Dandi ng Indobesia.
Ipinamalas ng dating Honda Pilipinas Dream Cup rider ang kahusay at katatagan para patunayan na may paglalagyan ang Pinoy sa international motorsports