NORMAL na sa artista na maraming damit, dahil kailangan nila iyon kapag may guestings sila o shows. Kung may regular teleserye naman ay sagot ng production ang suot nila kaya nakakatipid sila.
Sa kaso ng isa sa mga bida ng pelikulang G! na si Paulo Angeles, wise buyer ang aktor, dahil sa ukay-ukay siya bumibili ng lahat ng damit niya.
“Siyempre kaming mga artista may mga luho rin, ako idinadaan ko sa damit. Mahilig ako sa mga damit-damit, pero hindi po mahal. Sa ukay-ukay nga po ako bumibili,” pagtatapat ng Hashtag member.
S e r y o s o b a s i y a ? “Opo, basta maganda. May friend ako na sinu-supply-an siya (ukay-ukay) tapos ako ‘yung isa sa first to pick. Surplus,” aniya, sabay ngiti.
“Ambassador po ako ng surplus. May times na doon ako namimili, may times na sa friend ko na nagbebenta. Jayjay Avenido, mga streetwear ‘yung mga binebenta niya, kokontakin lang niya kami,” kuwento ni Paulo.
Pagdating naman sa sapatos ay hindi rin maluho ang binata, dahil iisang sapatos lang ang gamit-gamit niya.
“Iisa lang kasi talaga ang sapatos ko, eh. Like ito (sabay turo) ito lang talaga gamit ko, ‘yan lang. Mahilig po rin ako sa shoes, pero hindi pa panahon para gumastos ako nang gumastos. Saka na lang ‘yun, pagka kumita na ‘yung mga business ko,” katwiran ni Paulo.
May sariling franchise ng Chop Chop Chicken si Paulo, na matatagpuan sa university belt. Estudyante kasi ang target market niya.
Nag-invest din siya sa ginagawang hospital na malapit sa clinic ng tatay niya sa bandang Fairview, Quezon City, at may isang restaurant bar sa may Quezon City.
“Puro lang po kasi ako invest ngayon, para ‘pag kumita may madudukot. Ayaw ko nang mangyari ‘yung dati na nawalan ako ng pera talaga,” paliwanag ng aktor.
May non-showbiz girlfriend si Paulo.
“Kami ‘yung partner sa Chop Chop (chicken), nag-aaral pa siya,” say ng aktor.
Tanda namin noong una naming makausap si Paulo, bago pa lang noon ang grupong Hashtag, nang nabanggit niyang gusto niyang sundan ang yapak ng ama niya na isang doktor.
“Naiba ng landas, eh,” sabay ngiti.
“Siguro (tungkol ) sa business na lang ang kukunin (na kurso). ‘Pag may panahon na (planong mag-enrol), kasi hirap mahirap po ‘yung mag-e-enrol, tapos may biglang gagawin. Sayang naman kung ida-drop ko lang.
“Minsan kasi kahit pakiusapan mo ang teacher, ‘pag gusto kang i-drop ida-drop ka. Sayang ang panahon, ang bayad sa tuition,” paliwanag ni Pau.
A n y w a y , v i r g i n t y p e a n g r o l e n i P a u l o s a p e l i k u l a n g G ! . “Walang experience sa lahat ng kalokohan. Sila (McCoy de Leon, Mark Oblea, at Jameson Blake), marami na silang experience sa buhay, sa movie ‘yun.
“‘Yung character ko sa movie is malayo sa tunay na buhay, kasi makulit ako, hindi ako conservative type na tao,” nakangising sagot ng binata.
At kaya raw G! ang titulo ay termino ng millennials ngayon na “game” at “go” sa lahat ng bagay.
Kasama rin sa movie sina Kira Balinger, Roxanne Barcelo, Joey Marquez, Rosanna Roces, Jao Mapa at marami pang iba, mula sa direksiyon ni Dondon Santos, at produced ng Cineko Productions.
-Reggee Bonoan