NAG-CELEBRATE kamakailan ng kanyang 19th birthday si Edward Barber.

Edward

Para sa selebrasyon ng huling birthday niya bilang teenager nitong July 15, nag-guest ang German-born Filipino-British actor sa Magandang Buhay.

Given na mag-wish siya na lalong gumanda ang takbo ng career niya, na very promising din naman talaga para sa isang tulad niyang mahigit dalawang taon pa lang sa industriya.

Relasyon at Hiwalayan

Ion, muling ibinida ang pagmamahal kay Vice Ganda matapos magtanggal ng wig

Fourth big placer sa Pinoy Big Brother: Lucky Season 7 noong 2017, napanood si Edward sa teleseryeng La Luna Sangre, sa ilang special TV guestings; at sa mga pelikulang Loving in Tandem, Seven Sundays, Da One That Ghost Away, First Love, at Fantastic.

Sa ngayon, bida ang dating Myx Philippines VJ sa ABS-CBN series na Hiwaga ng Kambat, kung saan kasama pa rin niya ang ka-love team at PBB: Lucky Season 7 big winner na si Maymay Entrata.

Para sa kanyang 19th birthday, hiling ni Edward na sana raw ay patuloy siyang suportahan ng mga taong nagmamahal sa kanya.

“I want to be a more responsible person as I enter a new phase in life,” he said.

Well said, Edwards. Belated happy birthday!

-REMY UMEREZ