PATUTUNAYAN ng Go For Gold Philippines na tunay na basketball-crazed na bansa ang Pilipinas sa ilalargang Guinness World Record na pagtatangka para sa pinakamaraming tao na sabay-sabay na magdi-dribble ng bola sa Linggo (Hulyo 21).

IBINIDA nina (mula sa kaliwa) Viva Entertainment Vice President of Integrated Sales Jay Montelibano, recording artist John Roa at Go For Gold godfather Jeremy Go ang basketball at jerseys na gagamitin sa pagtatangka sa Guinness World Record.

IBINIDA nina (mula sa kaliwa) Viva Entertainment Vice President of Integrated Sales Jay Montelibano, recording artist John Roa at Go For Gold godfather Jeremy Go ang basketball at jerseys na gagamitin sa pagtatangka sa Guinness World Record.

Ipinahayag ni Go For Gold godfather Jeremy Go na kabuuang 10,000 dribblers ang kumasa sa paanyaya para maitala ang pambihirang marka sa kasaysayan ng sports. Nakatakda ang programa ganap na 4:00 ng hapon sa Mall of Asia Concert Grounds sa Pasay City.

“Being a SEA Games year, we want to be able to encourage a lot of Filipinos to be active in supporting sports and our national athletes,’’ pahayag ni Go.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Bukas pa ang pagpapatala at ang mga interesadong makilahok ay maaaring magpalista sa www. goforgoldworldrecordattempt. com o direktang magtungo sa venue sa araw ng programa. Magsisimula ang registration ganap na 2:00 ng hapon.

“Also in line with our motto `Basta Pilipino Ginto,’ where we believe that the Filipino deserves the best, we want to have an international record that we can be proud of,’’ sambit ni Go, vice president for marketing of Powerball Marketing & Logistics Corporation, prime mover ng Go For Gold project.

Suportado ang programa ng International Basketball Federation (Fiba), kamkailan lamang ay nakipagtambalan sa Go For Gold para maenganyo ang sambayan na suportahan ang kampanya ng Gilas Pilipinas men’s basketball team sa Fiba World Cup sa Aug. 31-Sept. 15 sa China.

Inaasahang mala-piesta ang kapaligiran sa inaasahang pagdalo ng ilang celebrities at sports personalities para makibahagi sa pagtatangkang mabura ang dating record na 7,556 na inorganisa ng United Nations Relief and Works Agency sa Rafah, Gaza Strip, Palestine noong July 22, 2010.

Kabilang sa dadalo sina Scratch it! brand ambassadors Nadine Lustre at Sam Concepcion, habang magbibigay ng kasiyahan ang music artists na sina Karencitta and John Roa kasama ang This Band at Allmost.

Inanyayahan din ang mga atleta ng iba’t ibang national sports association sa pangangasiwa ng Philippine Olympic Committee at Philippine Sports Commission bilang bahagi ng paghahanda ng bansa sa 30th Southeast Asian Games hosting sa Nobyembre.

“We believe that this will be a good way to bring buzz and excitement to kick start our country’s program,’’ pahayag ni Go.

Itinataguyod ng Go For Gold ang mga programa sa sports tulad ng MPBL defending champion San Juan Knights-Go For Gold at PBA D-League champion Go For Gold-CSB, gayundin ang Philippine Navy Sea Lions na nagkwalipika sa Global King of Kings Basketball Challenge sa Shanghai, China, Air Force Go For Gold Air Spikers, ang defending Spikers’ Turf champion.

Suportado rin ng Go For Gold ang mga atleta ng cycling, triathlon, chess, canoe-kayak dragonboat, sepak takraw, wrestling at skateboarding.